Chapter 26

303K 10.4K 4.9K
                                    

Chapter 26


"SIGURADO KA BANG OKAY KA LANG?"


"Oo naman." Sinikap kong siglahan ang tono upang mabawasan ang pag-aalala sa akin ng pinsan kong si Laarni. Magkausap ulit kami ngayon sa telepono.


"Uuwi na si Ate Mira sa makalawa, gusto ka niyang makausap."


"S-sige, ita-try ko kung makakapag-paalam ako na—"


Nang marinig kong bumukas ang pinto ng study room ay ibinagsak ko agad ang telepono. Nagkunwari akong nag-aalis ng alikabok sa center table.


Hindi ko gustong salubungin ang nakakanginig ng tuhod na titig ni Xerxes. Hanggat maaari ay ayaw ko.


Suko na ako.


Sa peripheral vision ko ay napansin ko na basa pa ang buhok niya at parang hindi masyadong pinunasan. Hindi ko alam kung galing siya sa shower o sa pagwo-work out. Nakasuot lang siya ng sweatpants na kulay itim at gray na v-neck shirt. Nakayapak lang siya.


Bakit hindi yata siya umaalis nitong mga nakaraan?


Wala ba siyang kakausaping kliyente? Wala ba siyang iko-close na deal na magdadala sa kanya ng bilyon? Wala ba siyang meeting sa kung sinong Poncio Pilato? Wala ba siyang charitable programs ngayon?


Baka binabantayan niya ako. Baka iniisip niya na tatakas ako o pagnanakawan ko sila. Marami nga namang pwedeng manakaw dito na pwede kong isangla at ibenta.


Kahit ano ay pwede niyang isipin sa akin. Kahit pa pagbintangan niya akong mamamatay-tao, wala na akong pakialam.


Huminto siya sa harapan ko at may inaabot na lilibuhing papel na pera.


"A-ano iyan? Para saan?"


"Just accept it."


Nang hindi ko iyon tanggapin ay hinila niya ako at ipinilit sa dibdib ko ang pera.


Pigil-pigil ko ang luha ko sa ginawa niya.


Namulsa siya sa harapan ko. "That's your salary for the past months."


Nang kunin ko ang pera mula sa dibdib ko ay saka bumagsak ang mga luha ko.


Nakayuko na lang ako kaya hindi ko na nakita pa ang pagdaan ng pait sa kulay berdeng mga mata ni Xerxes, at maging ang pagtatagis ng kanyang mga ngipin, bago siya tumalikod sa akin.


...


"I KNOW YOU."


"Ha?" Basta na lang pumasok ang sosyalerang si Cel sa sala.


His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon