Chapter 24

278K 10.5K 3K
                                    

Chapter 24


ANG SARAP NG PAKIRAMDAM KO.


Mainit at matigas ang inuunanan ko at ang bagay na nakapulupot sa bewang ko. Pakiramdam ko, safe na safe ako. Pakiramdam ko kompletong-kompleto ako.


"Mnmm..." ungol ko ng gumalaw ang yakap-yakap ko.


Ang ganda ng panaginip ko.


"Wake up, Rita."


Tuluyang nagising ang diwa ko ng marinig ko ang buo at baritonong boses na kilalang-kilala ko.


"Xerxes!" Gulat akong napadilat.


Namulatan ko siya na nakatitig sa akin na parang kanina niya pa pinapanood ang pagtulog ko.


"B-bakit?" Nakakunot kasi ang noo niya. May panis na laway ba ako kaya parang galit siya habang nakatitig siya sa akin?


"You talk in your sleep, you know," walang kangiti-ngiting sabi niya.


Bumangon ako para lang makitang nakasuot sa akin ang T-shirt niya at nakakumot sa akin ang kanyang kumot.


Nasa kuwarto niya ako?


Naalala ko kagabi na binuhat niya ako at dinala rito. Pero bakit hindi niya ako pinalipat sa kuwarto ko? At bakit tumabi siya sa akin?


At bakit yakap-yakap ko siya at yakap-yakap niya ako kanina?


Bumangon din siya at umalis ng kama. Stripe na gray boxers lang ang suot niya. Magulo ang buhok niya pero tingin ko ay kanina pa naman siya gising. Bakit hindi niya ako ginising?


Umalis din ako sa kama. Wala pala akong suot maliban dito sa T-shirt na isinuot niya sa akin.


"Hala!"


Nilingon niya ako na parang tinatanong ako kung bakit.


Nakagat ko ang ibaba kong labi. "Iyong mga damit natin sa sala..."


Nag-iwas siya ng mata. "I already took care of it."


Nakahinga ako. Nakakahiya kasi kung makikita ni Fury na nagkalat ang mga pinaghubaran namin ng ama niya sa sala ng condo.


"Saan mo nga pala inilagay ang mga damit ko?"


"In the bathroom."


"S-sige, magbibihis lang ako..."


Pumasok ako sa banyo na nasa loob ng kuwarto niya. Hinubad ko ang T-shirt niya at inilagay sa hamper. Hinanap ko ang mga damit ko pagkatapos. Nakita ko ang hinahanap ko sa ibabaw ng maliit na cabinet sa banyo.

His Bad WaysWhere stories live. Discover now