/5/ Beer and Rain

32.6K 1.9K 322
                                    

Second chance  is a false concept, when you make a single mistake they will forget all the good things you did

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Second chance 
is a false concept,
when you make
a single mistake
they will forget
all the good things
you did


/5/ Beer and Rain

[THEODORE]


"CAN you tell me what happened?" napatingin ako sa kanya at nakita ko ang nag-aalala niyang mukha. Biglang dumating 'yung waiter at nilapag sa mesa namin ang isang bucket ng beer at chicken barbeque na inorder naming dalawa.

We're here in a hidden pub far from the university. Wala akong ibang maisip na lugar na pwedeng puntahan para magpakalma at si Juniper ang nagturo ng lugar na 'to. It's a small place, Master's Bar ang nakalagay na pangalan sa pader sa may counter at may isang mamang kalbo, balbas sarado at maraming piercings sa tenga ang nag-pupunas ng mga baso.

Kahit na nasa basement area ang bar na 'to ay medyo rinig pa rin ang malakas na pag-ulan sa labas. Sa kalapit na mesa'y may isang grupo ng mga kabataan na sa palagay ko'y mga college students na sinasabayan ang ingay ng ulan.

"For our club!"

"Cheers!"

"Theo," muli akong napatingin sa kanya. "Ano na?"

Kinuha ko 'yung isang bote ng beer, binuksan 'yon at sinalin sa isang basong may yelo. Uminom muna ako bago ko siya muling tiningnan.

"It's a rough day."

"Mukha naman," sagot niya sa'kin. "You can tell me anything."

Napahinga ako ng malalim. What I did earlier is a big mistake, hindi ako dapat nagpadala sa galit. Ngayon, wala na akong mukhang maihaharap sa university. For sure ay patatalsikin ako dahil sa violent act na ginawa ko.

"I... ahh... Hinagisan ko ng dictionary 'yung colleague ko," nang marinig niya 'yon ay nanlaki ang mga mata niya, at imbis na matakot o ano ay sumilay pa ang malaking ngiti sa kanyang labi.

"What? Really? Why?" kitang kita ko sa mukha niya ang pinaghalu-halong pagkamangha, excitement, at kuryosdidad sa kung anong ginawa ko.

Uminom muna ulit ako bago ko siya sinagot, "Dahil napikon ako."

"At bakit ka naman napikon?" parang bata niyang tanong.

"He told me something that made me angry."

"And what is that?" saglit ko siyang tinitigan. She is very inquisitive and this will be endless if I don't tell her what really happened. Even though she's a stranger to me, I admit that what I needed right now is someone who will listen to my side because at this very moment everybody thinks I'm the monster.

"I used to own a coffee shop," she leaned on the table to hear me clearly, mas nangingibabaw kasi 'yung ingay ng mga kabataan sa kabilang table. "It's located near the university, Hema's Coffee."

Will You Cry When I Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon