/12/ Before We Sleep

23.9K 1.5K 144
                                    

"Now we findBeauty in all the painThere's a reason for the rainbow through the rain"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Now we find
Beauty in all the pain
There's a reason for the
rainbow through the rain"


/12/ Before We Sleep

[THEODORE]


STRANGE, Juniper is not speaking for the whole time during our trip way back to Manila.

Hindi ko na rin naman tinangka na kausapin siya dahil naramdaman ko na parang ayaw niya ring makipag-usap. Maybe she's tired or exhausted from my aunt's party at naiintindihan ko naman 'yon dahil nagmistulang 'life of the party' siya kanina.

Nang makapasok kami sa loob ng unit ko ay kaagad siyang nagpunta ng banyo para mag-shower. Ako naman ay umupo sa sofa para bigyan ng belly-rub si Buddo na sobra kong na-miss.

Nang lumabas si Juniper ng banyo ay nakita kong nakasuot na siya ng maluwag na t-shirt at pajama, hindi niya kami pinansin ni Buddo at diri-diretso lang siyang humiga ng kama at nagtalukbong.

Sa totoo lang ay sanay na 'ko sa presensya niya, I mean, 'yung pakiramdam na parang ang tagal na naming magkasama kaya ganito kami ka-komportable sa isa't isa.Hininto ko 'yung ginagawa ko at lumapit sa kanya.

"Juniper?" tawag ko sa pangalan niya kahit na hindi ko alam kung gusto niya akong makausap. "Are you okay?"

I admit that I'm worried to her since we left my aunt's house. Hindi pinaliwanag sa'kin ng former student ko na si Garnet kung anong problema ang tinutukoy niya kay Juniper, hindi ko na rin natanong kay Garnet kung magkakilala ba silang dalawa. Bigla kasing nag-walk out si Juniper matapos umiyak ang bata kaya sinundan ko siya sa labas at nagyaya na siyang umuwi. I want to ask what she feels, kung ano ba'ng masakit sa kanya. It kinda hurts me to see her not well.

Biglang sumilip ang mga mata niya at mahinang nagsalita, "I'm embarrassed."

"What?" nakakunot kong tanong.

"Pinaiyak ko 'yung bata kanina."

Ilang segundo kaming nagtitigan at bigla akong tumawa, sumimangot lang siya. Para siyang bata na nakagawa ng kasalanan at pinagalitan sa itsura niya.

"Ba't ka tumatawa?" inis niyang tanong.

Ewan ko ba at nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko na 'yon lang pala 'yung problema niya kung bakit siya tahimik kanina pa. This woman is really something.

Umupo ako sa gilid ng kama habang nakaharap pa rin sa kanya, tumigil na 'ko sa pagtawa pero hindi mawala 'yung ngiti sa labi ko.

"Masaya lang ako kasi walang masakit sa'yo."

Will You Cry When I Die?Where stories live. Discover now