/24/ As If Nothing Happened

18.3K 1.1K 92
                                    

"The words of "I love you" that you say are even sadder than "Goodbye"  You don't have to say anything else, so stop this night

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

"The words of "I love you" that you say 
are even sadder than "Goodbye"  
You don't have to
say 
anything else, 
so stop this night."

/24/ As If Nothing Happened

[JUNIPER]


"MERRY Christmas!" sila Frida at Arlo ang bumungad nang buksan ko ang pinto. I don't why I suddenly remember that memory; it was Christmas eve four years ago.

"Kayo? Ano'ng ginagawa ninyo rito?" gulat at nagtatakang tanong ni Theo nang makita ang mga dumating.

"Hay nako, pinsan, sorry to bother your Christmas Eve, alam kong malamig ang panahon at kailangan niyo ng init pero huwag muna ngayon, bwahaha!" maloko-lokong sabi ni Frida at nilapag niya sa mesa ang isang kahon ng cake.

"We brought you presents!" masiglang sabi ni Arlo at nilapag naman niya sa lamesita ang mga dala niyang paper bags.

That's one of the fond memories I got with Theo and his cousins, iyon 'yung mga panahong tinakwil na ako ng lola ko dahil mas pinili kong ipaglaban si Theo. Even if I lost my family during those time, with them I can say that family isn't really about blood relations.

"Let's play this, guys!" sabi ni Arlo at nilabas noon ang isang kahon ng playing cards. "It's called the Truth or Drink game."

"Yah, because we also brought this!" nilabas naman ni Frida ang isang bote ng tequila.

"Hey, no drinking on Christmas Eve!" saway ni Theo at akmang aagawin ang bote kay Frida pero nalayo ito.

"Pinsan, huwag kang KJ, okay lang 'to, 'di ba, Juni?" tanong noon ni Frida sa'kin at ngumiti ako sa kanya. "Okay, dahil diyan, ikaw ang unang bubunot ng tanong para sa kung sinong mapipili mong tanungin, at kapag hindi nasagot ang tanong ay sa-shot nitong tequila!"

Bumunot ako noon ng isang baraha at nakita ang isang tanong, tinuro ko si Theo dahil siya ang gusto ko noong tanungin.

"What's the question, Ate Juni?" Arlo asked.

"Theo... Will you cry when I die?"

Theo just stared at me. Ilang segundo rin kaming nagtitigan bago siya kumurap, kinuha niya ang shot glass kay Frida at nilagok ang alak.

I snapped back to reality. Namalayan ko na lang na nasa labas kami ng Villa Roma Mansion, maraming mga awtoridad ang mga nakapaligid. Tila bumagal ang paggalaw ng lahat sa aking paningin. Nakita ko si Frida na humahangos mula sa sasakyan at niyakap si Theo na nasa tabi ko. Sumunod akong niyakap ni Frida, kinailangan niyang yumukod dahil nakaupo ako sa wheelchair.

"Thank goodness, you're both safe," umiiyak si Frida at tinapik ko lang siya sa likuran.

May dalawang stretcher na nakatakip na dinala patungong ambulansya, those are the devils' dead bodies. Oh, they're dead.

Will You Cry When I Die?Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ