/17/ Unwanted Memory

27.1K 1.2K 104
                                    

If todaywill be the daythat the angelof deathwill comeI'd gladlywelcome itwith open arms

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

If today
will be the day
that the angel
of death
will come
I'd gladly
welcome it
with open arms



/17/ Unwanted Memory

[JUNIPER]

KANINA pa 'ko urong sulong sa harapan ng building, napapakamot na nga sa ulo si manong guard dahil kanina pa niya 'ko binabati at pinagbubuksan ng pinto pero wala akong lakas ng loob na tumuloy sa loob.

"Kanina pa po nakauwi si Sir Theo, ma'am." sabi ni manong guard at wala na 'kong nagawa kundi maglakad papuntang elevator lobby.

Tumanggi akong magpahatid kay Levi at mas pinili kong maglakad ng dalawang kilometro pabalik. Kanina pa ako nakapag-isip ng mga bagay-bagay habang naglalakad at hindi ko pa rin sigurado kung may babalikan pa ako matapos ang nangyari kanina.

Huminga muna ako ng malalim bago ko pinindot ang doorbell ng unit ni Theo at maya-maya'y bumukas 'yon. Kaagad na nagtama ang paningin naming dalawa at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

"H-hey," hindi ko maiwasang matawa dahil akala mo parang sampung taon kaming hindi nagkita. Pagkatapos ng ilang sandali ay bumitaw siya sa'kin. Nakapagpalit na siya ng damit, isang puting T-shirt at itim na jogging pants.

"Akala ko hindi ka na uuwi."

My heart almost melts when I heard that. Parang gusto ko tuloy umiyak pero mabuti na lang ay malakas akong magpigil ng emosyon. I just grinned at him.

"Do you think you can easily escape from me?" biro ko sa kanya.

"Tara pasyal tayo." Hinila niya ko pagkatapos niyang isara ang pinto.

"Kahit gabi na?"

"Oo, sa labas na lang din tayo magdinner. Ayoko namang masayang 'tong araw na 'to na wala tayong ginawa."

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang magkahawak kamay kaming lumabas ng elevator.

"Good evening, ma'am and sir!" masiglang bati sa'min ni manong guard nang makita niya kaming dalawa at ngumiti lang kami ni Theo sa kanya.

"Sa Luneta."

Isa sa mga advantage ng pagiging Heartless? Dahil isa na lamang akong Consciousness na namamahay sa isang temporary body hindi ko gaano nararamdaman ang pagod as if I there's a stored energy inside this body. Binigyan ako noon ng warning ni Azrael na hindi ko 'to pwedeng abusuhin dahil maaaring makaapekto sa Host.

Isang sakay lang ng jeep mula sa kanto ang Luneta at tuluyan nang kinagat ng dilim ang liwanang nang makarating kami sa pupuntahan namin. Medyo marami-rami ang mga taong namamasyal, may mga estudyanteng naglilisawan at ang iba'y nagpapraktis ng sabayang pagbikas at sayaw para sa school, may mga pamilya naman na naka-upo sa damuhan, may mga magkasintahan na nakaupos sa bench, at marami ring mga nagtitinda. Buhay na buhay ang paligid, nakakatuwa dahil binigyan pa rin ako ng pagkakataon na masilayan ang ganitong eksena. It feels so alive.

Will You Cry When I Die?Where stories live. Discover now