/20/ Puzzle Pieces

20K 1.1K 281
                                    

"Let me sleepI am tired of my griefAnd I would like youTo love me"

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

"Let me sleep
I am tired of
my grief
And I would like you
To love me"

/20/ Puzzle Pieces

[THEODORE]

KUNG nakamamatay lang ang kuryosidad siguro ay kanina pa ako nalagutan ng hininga.

Hindi ko na hinintay si Juniper at dali-dali akong lumabas para sundan ang clue na nalaman ko. It is really frustrating to know something you don't know, katulad na lang ng larawan na hawak ko, isang larawan namin ni Juniper subalit wala akong memorya nito---at higit sa lahat ay nakapagtatakang iba ang pangalan niya kundi Galilee.

Alam kong masamang mangialam ng gamit ng ibang tao pero kanina'y hinalughog ko ang bahay ni Juniper sa pagbabakasakaling makahanap ng katibayan ng tunay niyang pagkatao, pero kahit college diploma ay wala akong nakita.

May nag-udyok sa'kin na puntahan ang restaurant kung saan kinuhanan ang larawan. Bumyahe ako ng kalahating oras bago ko matunton ang lugar na natagpuan ko sa Cavite, thank god there's Google Map, kundi dahil baka maligaw ako. Bungad lang 'to ng probinsya kaya malapit-lapit sa tinitirhan ni Juniper.

"Welcome to Azure's Dining! Dine in for one, sir?" salubong sa'kin ng receptionist nang pumasok ako.

I'm really sure of myself, I've never been to this place. Tinanguan ko lang ang receptionist at sumunod ako sa kanya. Tiningnan ko muli ang larawan, ito nga ang lugar na 'yon. American retro ang disenyo nito, maraming pop icon and pop cultures ang nakadisenyo sa pader, at may mga retro car dining din katulad ng nasa picture.

Dinala ako ng receptionist sa pang-dalawahang table.

"Miss, doon sa car, hindi ba pwede?" tanong ko.

"Minimum of three thousand pesos po dapat ang order bago niyo ma-avail ang pwesto na 'yon, sir." magalang na sagot sa'kin ng receptionist sabay abot ng menu at iniwan na ako nito.

Imbis na tumingin ng order ay nilibot ko pa rin ang paningin ko sa paligid. Mangilan-ngilan lang ang kumakain dahil hapon pa lang.Maya-maya'y tiningnan ko rin ang menu, medyo may kamahalan ang presyo ng mga pagkain.

Lutang ang isip ko habang tinitingnan ang menu, pinipilit kong hukayin sa memorya ko kung kailan ako nagpunta sa lugar na 'to pero bigo ako. Paanong nangyari 'yon? Parang sasabog na 'ata 'yung ulo ko.

"Yes, sir? May I take your order?" nagulat ako sa biglang sumulpot na waitress sa tabi ko. Ngiting ngiti ito at nakasuot ng sailor outfit. "Sir Theo? Long time no see!"

Hindi ko maiwasang mapakunot at sinubukan kong hindi ipakita ang pagkagulat at pag-aalinlangan.

"H-hi, Pat?" nabasa ko lang 'yung pangalan niya sa nametag niya.

Will You Cry When I Die?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang