/23/ The Sleeping Handsome

16.6K 1.1K 22
                                    

Prepare your heart for nothing  is certain between life  and death love is theonly way

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prepare your heart
for nothing
is certain
between life
and death
love is the
only way

/23/ The Sleeping Handsome

[JUNIPER]


"N-NADIA?"

Hindi pa rin ako makapaniwala na narito siya ngayon at hinihiwa ang makapal na lubid para mapakawalan ako. Paano? Ano'ng ginagawa niya rito? Just right after I prayed, an answer immediately came. Is this what they call a miracle?  Then I remembered the fact that I'm using Galilee's body is already a miracle.

"Stay still, Juniper!"

"Y-you're here? P-paanong---"

"Tumatakbo ang oras!" tumigil siya saglit at tumitig sa'kin. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya, katulad ko'y nakasuot din siya ng pormal, isa rin siya sa dumalo sa party ng Heartless Society? Hindi ko lubos na maisip kung paano siya naging kasapi ng grupong 'yon.

Muli niyang binalik ang atensyon sa ginagawa at nagsalita, "Nasa pinakadulong silid si Theo, kailangan mo siyang mailikas bago tuluyang makuha ni Ivan ang katawan niya."

"M-may alam ka?"

"Oo, matagal ko nang alam, at ngayong si Theo na ang magiging biktima hindi ko na maaatim na gagawin 'yon ni Ivan sa sarili niyang kadugo!" lumuwag ang pagkakatali sa'kin ng lubid at dali-dali akong hinila ni Nadia palabas.

Tumambad sa'min ang mahabang hallway na animo'y isang dungeon sa dilim, tanging mga kandila na nakasabit sa pader ang nagsisilbing ilaw, mas malamig dito kung ikukumpara sa pinanggalingan namin.

"Where are we?" hindi ko maiwasang matanong habang hila-hila pa rin ako ni Nadia. Umaalingaw-ngaw ang tunog ng mga takong namin sa paligid.

"We're still at Villa Roma's mansion, ito ang basement kung saan nila sinasagawa ang tinatawag nilang ritual."

"Ritual?"

"It's the process of obtaining someone's consciousness and putting a new consciousness inside a new body. It's like a devil's work they're doing here."

Mas lalo kong binilisan ang paglalakad kahit na nahihirapan ako sa pamamanhid ng mga paa ko dahil sa higpit ng pagkakatali sa'kin kanina. Nasa pinakadulo ng hallway ang silid na kinaroroonan ni Theo pero parang walang katapusan ang pagtakbo namin ni Nadia.

"Quick!" hindi niya pa rin ako binibitawan. Kahit na napakaraming tumatakbong tanong sa isip ko sa kanya ay hindi ko magawa. Ang importante ngayon ay ang kaligtasan ni Theo. At higit sa lahat ay ang natitira kong tatlong oras at kalahati bago sumapit ang alas dose ng madaling araw.

Subalit may natanaw kaming pigura 'di kalayuan, nakatayo ito at nakahalukipkip. Nang maaninag namin kung sino 'yon ay sabay kaming huminto ni Nadia sa pagtakbo at habul-habol namin ang aming hininga dahil sa hingal.

Will You Cry When I Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon