/7/ Maybe She's an Angel

30.7K 1.7K 381
                                    

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.


Human beings are
Fool and stupid
Blinded by
Uncanny
And love

/7/ Maybe She's an Angel

[THEODORE]


DAY two

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

DAY two.

Ito 'ata ang kauna-unahang pagkakataon na pumunta ako sa isang themed café. Kung ikukumpara ko ang pwesto ng Hema's Coffee ay 'di hamak na mas malaki ang coffee shop ko kaysa sa Dreamer Unicorn Café na 'to. May pintura ng color rainbow ang façade at ang pintuan ay may naka-sabit na ulo ng unicorn.

"Let's go," yaya sa akin ni Juniper at pumasok kami sa loob ng café.

Pagpasok namin ay kaagad na tumambad ang double-decks kung saan doon kumakain ang mga customers, may maliit na table at cushions bawat booth, mukhang komportable naman ang mga customers dahil malamig at nakasuot pa sila ng Unicorn suit.

Pagkatapos naming umorder ay dinala kami ng staff sa isang bakanteng booth, doon kami sa baba. Uupo na 'ko nang pigilan ako ni Juniper.

"Theo, remove your shoes and wear this," inabot niya sa'kin ang isang Unicorn suit.

"Kailangan ko bang isuot 'to?" nakakunot noo kong tanong sa kanya.

"You'll miss the point of going to a Unicorn-themed café kung hindi mo isusuot 'yan. Dali na!" sagot niya sa'kin habang sinusuot na niya 'yung kanya.

Pinagbigyan ko naman siya kaso tinawanan niya 'ko dahil na-realize namin parehas na kulay Pink 'yung akin at sa kanya naman ay kulay Blue.

"You're so adorable!" kinurot niya pa 'ko sa pisngi at kaagad kong pinalis 'yung kamay niya, ang sakit ng kurot niya.

Umupo na kami parehas sa loob ng booth. Alam ko na kung para saan ang purpose ng Unicorn suit na 'to, sobrang lamig dahil sa AC. Dumating na rin 'yung order naming dalawa, tig-isa kami ng Frappe, sa'kin ay Chocolate at sa kanya naman ay Green Tea, tapos mayroon ding Nachos at Fries. Nag-lunch naman na kami sa bahay bago kami dumayo rito.

Will You Cry When I Die?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang