/18/ Hopes and Burdens

20.4K 1K 74
                                    

Too much hope is badbecause it mightkill yourdreamsin instant 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Too much hope 
is bad
because it might
kill your
dreams
in instant 


/18/ Hopes and Burdens

[JUNIPER]


WE stopped by at Lizzie's Kitchen to buy a customized cake and cupcakes for Rosy, dahil biglaan ang pagkakaimbita sa'min kagabi ay hindi namin napaghandaan ang regalo. Fortunately, Lizzie, the owner of the shop, accommodated us. Nagpasadya kami ng cake na Frozen na cartoon ang tema, tinanong kasi ni Theo si Frida kung ano ang paborito ni Rosy na palabas.

Almost one hour kaming naghintay para sa cake at kaagad kaming bumyahe papuntang Bulacan.

"Huwag mo nang paiiyakin si Rosy kapag nakita mo siya ha." biglang biro ni Theo habang nagmamaneho, he insisted that he'll drive kaya hinayaan ko na lang din siya.

Hindi ko pinahalata sa kanya na nag-aalangan ako, "Theo, sa ganda kong 'to magpapaiyak ba 'ko ng bata?"

Bigla niya kong tinignan ng kakaiba, parang nawirdohan siya sa sinabi ko o baka naramdaman niya na ang off ng joke ko.

"Bakit?" hindi ko mapigilang itanong.

"Hindi lang ako sanay na nagbibitaw ka ng narcissistic joke." sagot niya habang nakatuon ang mga mata sa kalsada.

"Totoo naman na maganda ako, 'di ba?"

"Oo, alam ko naman 'yon." sumulyap siya sa'kin at ngumiti ng nakakaloko.

I became silent after. Seeing Rosy again kinda bothers me, akala ko hindi papayag si Theo na pumunta ng party pero dahil sa Tito Ivan niya ay pupunta siya, wala naman ako magawa at ayoko namang magpaiwan, ayoko ring mapalayo sa kanya ng isang araw, kaunting panahon na nga lang ang mayroon ako dito. It's our seventeenth day together, ayoko sanang bilangin ang mga natitirang araw dahil kumikirot lang ang dibdib ko.

"Oh, bakit natahimik ka naman bigla?" natauhan ako nang marinig ko ulit 'yung boses niya.

"Nothing... I'm just sleepy." pagdadahilan ko.


*****


"HAPPY birthday, Rosy!" the children and adults chorused as we sang together for the birthday celebrant.

Sa bahay ng pinsan ni Theo ginanap ang selebrasyon, maraming bisita ang mga dumalo at hindi magkanda-umayaw ang mga bata sa sobrang saya. May tatlong clown kasi ang inarkila para magtanghal at magpasaya, marami ring handang mga pagkain. Typical Filipino party, I'm glad that I experienced this kind of simple yet joyous celebration.

Will You Cry When I Die?Where stories live. Discover now