Chapter Two

65.9K 2K 668
                                    

Hyon Alexandria Serrano ♥ Alister Santiesteban. I happily wrote it over and over again on my notebook and surrounded the name with small hearts.

Ang gwapo talaga ng pangalan niya. Bagay na bagay sa kanya. May second name kaya siya tulad ko? I don't know. I have to find out about that.

I wish I could see him again... but I didn't. Alam ko ang building ng seniors pero hindi ko naman alam kung saan ang room niya at wala rin naman akong tamang rason para mapunta sa lugar nila.

Hindi ko naman pwede ipagtanong kahit kanino. Maging sa mga kaklase ko. Ayaw kong ipagkalat na may crush ako sa kanya. I'd surely get teased for it. Nakakahiya!

Ang tanging pag-asa ko na lang para makita ulit siya ay ang manood ng practice ni Kuya Xavi. Siguradong nandoon din si Ali. Kinailangan ko pang maghintay ng tatlong araw dahil every Monday and Friday ang practice nila.

"May assignment ba?" isang boses ang nagpatalon sa akin. My whole body was sent into alert. I swiftly closed my notebook and sat up straight. Kasabay nito ang pag-angat ng mga mata ko at nakita si Dashiel na umupo sa katabi kong upuan.

"H-Huh? Wala," sagot ko. Medyo nanlalamig dahil muntik niya nang makita ang sinusulat ko.

"What are you doing then?" he asked.

"Just scribbling," I answered. Totoo naman. Hindi naman ako nagsisinungaling.

Tumango siya at matapos ay may binuksan na libro sa harap niya. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi niya na ako kulitin tungkol doon.

Dashiel Matthew Fabella is a distant cousin. Kapatid siya ni Ate Lavie. Anak siya ng pinsan ni Mommy na si Tita Avis. We're the same age, that's why we're very close.

I pouted my lips. I wonder if Dashiel has a crush on someone? Kahit kailan ay hindi 'yon sumagi sa isip ko. Having crushes used to be above me... pero ngayon ay hindi ko mapigilan ma-curious.

"Dashiel..." tawag ko rito.

"Yeah?" ilang segundo bago niya inangat ang mga mata sa akin.

"Do you like older girls?" tanong ko.

Kumunot ang noo niya. "Why are you asking?"

"Just wondering. Sabi kasi ni Ate Laurene, guys usually like older girls," tapat na sagot ko rito.

Napaisip siya dahil doon. He looked like he's giving it a serious thought. "Not all guys. May iba na gusto ang ka-edad o mas bata. That's usually the case."

Tumango ako. May bago na naman akong nalaman. Hindi lang pala mas matured ang gusto ng mga lalaki. Iba-iba ang preference nila. I don't know why but I like that piece of information.

"How about you?" I asked.

"I don't know. I don't like anyone yet." Kumibit-balikat siya. Umangat ang kilay niya sa akin. Medyo suplado ang mga mata. "Why are you asking?"

Namula ako. Pakiramdam ko ay nababasa niya ang utak ko ngayon. I tried hard not think about Ali. "Curious lang."

"We're too young for serious things like that, Hyon," he reminded me.

"Bakit yung mga kaklase natin, kung ganoon?" I reasoned out.

"Let them. 'Di mo kailangan maki-gaya," he scolded. This is also one of the reasons why I don't want to tell anyone, especially my family. Aside from teasing me, they also won't take me seriously.

Pero wala naman masamang magka-crush diba? Gusto ko pa sanang itanong pero naisip ko na sarilinin na lang. Baka bigla siyang magtanong dahil sa pangungulit ko. I don't wanna lie. I hate lying.

I Could FallWhere stories live. Discover now