Entry #19

257K 6.4K 693
                                    

Dear Future Boyfriend,

Sa future kapag naging tayo na, mababasa mo ito. At ngayon palang gusto ko nang sabihin sayo at humingi ng tawad kung binigo kita. Hindi lang naman ikaw ang nabigo dahil ako rin. Kahapon sawi ang puso ko ngayon naman ay bigo ako sa pangarap ko.

Ngayong araw... ninakaw ang first kiss ko. Yung pangarap kong first kiss na ibibigay ko sana sa’yo. Yung pangarap kong first kiss under the moonlight. Yung pangarap kong first kiss na private dapat. Pero hindi ganon ang nangyari. Dahil kanina, sa ilalim ng sikat ng araw, sa may pool, sa harap ng mga bisita, hinalikan ako ng isang hambog na lalaki sa labi! NAKAKAINIS! NAKAKAGIGIL SA GALIT! I HATE HIM SO MUCH!!! Kahit bigyan pa nya ako ng sampung Tokyo Tokyo hindi ko na sya mapapatawad!

Hindi ba nya alam na first kiss ko yon?! Hindi ba nya alam na importante yon sakin?! Hindi ba nya alam na hindi nya yon dapat gawin?! Bakit nya yon ginawa?! Bakit sa dami ng mga babae na nandon eh ako pa ang pinagtripan nya?! Marami naman syang classmates don na babae na halatang may crush sa kanya ah! Bakit sa akin pa nya ginawa yon?!

Hwag na hwag ulit syang magpapakita sa’kin! Bibigyan ko sya ng kamehame wave!!! >.<

PS: Faithful parin ako sa’yo kahit na hindi na virgin ang lips ko. Sabi ko naman kasi sa’yo magpakita ka na sa akin. T.T

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon