Kayleen

188K 5.6K 1.3K
                                    

Kayleen

Pinanuod ko si Ashleen na humabol kay Alex na kalalabas palang ng Tiffany. Nang magkita sila, agad silang nag-yakapan. Ni hindi nila napansin ang mga nakatingin sa kanilang dalawa. Kahit na malayo sila sa akin, nararamdaman ko ang saya nila.

Mabuti pa silang dalawa. Gusto ko rin na magkaayos na kami ni Mr Creeper ko. Kaso sya kasi eh! Bakit ba kasi sya nasa mall kasama si Trisha? Ang paalam nya kay Ashleen may band practice sila tapos nasa mall lang sya kasama yung bokalista nila. Hmph!

“Kay?”

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Nilingon ko ang lalaking nasa kanan ko na tumawag sa akin. Nakita ko si Gio na nakatayo di kalayuan sa pwesto ko. May kinakain syang ice cream.

“Hi Gio,” bati ko sa kanya.

“Mag-isa ka?” Lumapit sya sa akin.

“Oo eh. Iniwan ako ng kasama ko.”

“Gusto mo?” alok nya sa ice cream na hawak nya.

Ngumiti ako at umiling. Nakakapagtaka talaga si Gio. Ang alam ko kasi hindi naman talaga sya pala-salita pero pagdating sa akin, kaya nyang makipag-usap ng normal.

“May dala ka bang cookies?”

Umiling ako.

“Pie?”

Umiling ulit ako.

“Tarts?”

Umiling ulit ako. Bumuntong hininga sya.

“Ginugutom kami ni Trisha.” Malungkot nyang dinilaan ang kanyang ice cream.

“Wala bang pagkain don?”

“Wala silang desserts.”

Siguro kaya ako kinakausap ni Gio kasi nasasarapan talaga sya sa mga ginawa kong tarts, pies at cupcakes. Kada may practice kasi sila nandon ako at palagi akong nagdadala ng pagkain.

“Tapos na ba ang practice nyo?”

Tumango sya.

“Maaga pa ah.”

Nagkibit balikat sya.

“Nagutom ako eh.”

“Umalis ka sa practice kasi nagutom ka?”

Nagkibit balikat ulit sya.

“Puro lang ba matatamis ang kinakain mo?”

Dear Future BoyfriendWo Geschichten leben. Entdecke jetzt