Kayleen

237K 5.3K 965
                                    

Kayleen

“Ang sarap mo talagang mag-bake Kayleen! Kaunti nalang maiinggit na ako.”

“Bakit ka naman maiinggit sa akin?” Mas nakakainggit ka nga Ashleen kasi nakatira kayo ni Ash sa iisang bahay. Gusto ko rin tumira rito para naman palagi ko syang makita umaga hanggang gabi! Kyaa!

“Hindi ko parin kasi alam kung ano ba ang talent ko,” sabi nya matapos ubusin ang isang peanut butter cookie na dala ko. Ni-flip nya ang page ng magazine na tinitignan namin. “Yung ganito kayang style ng gown ang suotin mo?”

“Masyadong pink yan.”

“Ano ba ang gusto mong kulay?”

“Hindi ko alam eh.”

“Mag-red ka kaya?”

“Hmm. Parang masyadong matingkad yon at sexy.”

“Pink nalang!”

“Bagay ba sakin ang pink?”

“Wala namang hindi bagay sayo Kayleen. Maputi ka naman at cute. Slim din naman ang katawan mo. Kaya walang hindi babagay sayo. Siguro orange lang ang hwag mong isuot. Ang sakit talaga sa mata ng kulay na ‘yon kapag sinusuot lalo na kung neon.”

Tumango tango ako. Iilan lang ang orange na damit sa closet ko, shirts na kailangan sa school. Umayos ako ng upo sa sofa nya. Inabot ko ang baso ng orange juice sa lamesa at uminom.

“Ay wait lang! Ito maganda to!” turo nya sa isang picture ng model na nakasuot ng gold dress na kumikinang. “Mukhang Princess Sarah!”

Muntik ko nang maibuga sa kanya ang iniinom ko. Ibinalik ko ang baso sa lamesa.

“Gusto mo bang mag-costume party? Ikaw si Becky!”

“Ayoko. Mas gusto ko si Lavinia, original mean girl sa school.”

Pumikit ako at minasahe ang ulo ko. Ang hirap pala pumili ng theme ng party.

“Ayoko nang tignan ang mga pictures na yan. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung ano ba ang gusto ko. Hayaan ko nalang si Mama na mag-decide.”

Sinara ni Ashleen ang magazine at hinayaan nakatambak sa lamesa kasama ang iba pang magazines.

“So spill na Kayleen. Bakit ka blooming?” ubod ng tamis nyang tanong sa akin.

Uminit ang pisngi ko at di ko sya matignan sa mga mata.

“W-Wala. Blush on lang ‘to, binili ni Mama sa Avon lady na kaibigan nya,” hindi tumitingin sa kanyang sagot ko. “Ikaw? Ano ang nangyari sa inyo kahapon ni Alex?”

Dear Future BoyfriendWhere stories live. Discover now