Entry #64

160K 3.9K 174
                                    

Dear Future Boyfriend,

Bukas uuwi na kami sa bahay namin sa Laguna! Uwaaaah! Tapos tapos tapos... makikita ko na si Ashleen! At syempre si Ashton. Eeeeeh! Na-miss ko sya! Lalo na kanina kasi nakita ko yung bench kung saan kami umupo noon pagkatapos namin kumain sa coffee shop. Kumusta na kaya sya? Nabasag ko yata sya kanina sa text ko, di ko tuloy alam ano irereply ko. >.<

Malapit na silang umuwi! Waaaah! >.<

Nakita ko nga pala si Steve kanina. Dumaan sya sa book store, may mga binili syang college books. Ang awkward naming dalawa kanina grabe. Pero mukha naman syang masaya na kasi nakita ko may kasama syang babae na nakasalamin din. Pero ganon pala yung feeling na may nanligaw sayo tapos di mo sinagot tapos nagkita ulit kayo? Dati gusto kong maligawan pero hindi pala ganon kasaya ang pakiramdam lalo na kung di mo type yung lalaki?

Ikaw ba? Kailan mo ba ako liligawan?

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendWhere stories live. Discover now