Entry #37

208K 4.6K 89
                                    

Dear Future Boyfriend,

Alam mo bang may hidden talent ako? Haha! Hidden talent na dapat hidden talaga, kumakanta ako sa banyo. Naisipan ko lang na sabihin sa’yo para naman may fun facts. Haha!

Hmm. Ang boring ng araw ko. Yung iyo siguro exciting no? (Sumagot ka rin kapag may time haha!) Gusto ko nang umuwi. (Kaso ayoko mag-isa sa bahay. At di ako papayagan.) Wala namang bampira dito. May nakasalubong ako noong isang araw, mapula ang mata pero mukhang adik lang yata sa rugby. Di naman kasi sya shimmering under the sun. Sawi ako sa mission kong patunayan na may mga bampira sa mundo.

Alam mo bang naniniwala ako na may mga bampira? Mas madaling paniwalaan ang vampires kaysa werewolves o shapeshifters. Ang magic naman kasi ng dating ng sa kanila. Ang mga bampira pwedeng may mali lang sa genes nila pero hindi rin totoo na nasusunog sila sa araw. Abnormal lang talaga sila. (Kung may makabasa man na bampira sa online diary kong ito, hwag nyo muna akong kakagatin. Hayaan nyo muna akong ma-meet si future boyfriend. Huhu)

Kapag ganitong wala akong magawa, wish ko talaga na kasama kita. Ano kaya ang gagawin natin sa unang beses na date natin?

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendWhere stories live. Discover now