Kayleen

225K 5.5K 1.3K
                                    

Kayleen

“Kitkat, Toblerone, Hershey’s, Kisses o Goya?” tanong ko sa sarili ko habang tinitignan ang mga chocolates sa shelf.

Ang hirap naman mag-decide kung ano ang gusto kong kainin. Kumuha nalang ako ng tig-dadalawa at lumakad na para bumili ng eggs. Yon nalang ang kulang sa list ko. Si kuya kasi sinipa ako sa bahay para lang ipag-gawa ko sya ng cookies. Wala pa naman ako sa mood gumawa non. Wala akong inspiration. Huhu.

“Hullo.”

Muntik ko nang mabitawan ang carton ng eggs na hawak ko. Napalingon ako sa gilid ko at nakita ang inaantok na mukha ni Gio. Gulo-gulo ang buhok nya na para bang di nasuklay nang maayos. O baka nga di nya sinuklay dahil sa kaantukan. Mukha tuloy syang bagong gising.

“Gio! Ginulat mo naman ako. Kanina ka pa ba dyan?”

Tumingin sya sa wrist watch nya. “Fifteen minutes na kitang sinusundan.”

“Sinusundan mo ako? Ano ka, stalker?”

Nagtaas-baba ang balikat nya. “Gagawa ka ba ng cookies?”

“Oo.”

Nakita ko ang saglit na pagkislap ng mata nya. “Pwedeng pahingi?”

“S-Sige.”

“Sama ka sa bahay ko,” diretso nyang sabi.

“Eh? Ayoko.”

“Bakit?”

“Ano naman ang gagawin ko ron?”

“Gagawa ng cookies.”

“Bakit palagi kang humihingi sa akin ng cookies? Pwede ka naman bumili non dito sa supermarket.”

“Gusto ko yung gawa mo, masarap kasi.”

“Oo na nga. Bibigyan kita. Sama ka sa bahay ko?” Tumango sya.

Dumiretso na kami sa cash register para magbayad. Pagkalabas namin ng supermarket ay nagulat nalang ako na may chauffeur na naghihintay sa tabi ng isang magarang sasakyan. Kamukha pa ni Jason Statham ang lalaking nakasuot ng uniform. Para tuloy syang may ihahatid na VIP. Pero ano ba ang ginagawa nya rito?

Bigla nalang nagsalita ang kasama ko. “Oliver, sa Westwood tayo.”

Pinagbuksan kami ng pinto ng sasakyan ni Oliver. Diretsong umupo sa loob si Gio at hinintay ako. Halos malaglag pa sa paanan ko ang panga ko dahil basta nalang syang pumasok don. Mukha kasing sa Vegas kami dadalhin ni Oliver. Parang di naman bagay ang isang katulad nya na maghintay sa tapat ng supermarket!

Dear Future BoyfriendWhere stories live. Discover now