Entry #24

245K 5.8K 233
                                    

Dear Future Boyfriend,

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa taong nag-text sa’kin. Ikaw ba ‘yon? Pero mukhang hindi naman. Baka naghahanap lang sya ng ka-textmate. Paano nya kaya nakuha ang number ko? Tinanong ko naman kay Ashleen kanina sa school kung may pinagbigyan ba sya, wala naman daw. Haay. Creepy? :O

Next week pa namin makukuha ang results ng exams namin. After non didiretso na kami ng Baguio. Ano kaya ang gagawin ko sa loob ng three days? Gusto ko sanang mag-movie marathon kina Ashleen kaso baka makita ko lang yung kapatid nyang bwisit. Hmp! >.<

Speaking of Ashton, parang nakita ko sya kanina sa canteen. Bigla nga lang syang nawala. Hmm. Napapraning na ba ako sa galit ko sa kanya? Erase! Erase na nga! Ayoko nang maalala pa yung ginawa nya sa’kin! >.<

Basta hahanapin kita sa Baguio! Mamaya, ikaw pala si Enrique Gil ah. Haha! :D

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon