Kayleen

237K 5.5K 1.2K
                                    

Kayleen

“Ang ganda talaga ng bahay nyo Ashleen!”

Hindi ko mapigilan ang humanga sa vacation house nila dito sa Baguio. Malayo sa ibang bahay itong bahay nila at napapaligiran pa ng mga pine trees. Dalawang palapag ang bahay nila, log house type ito at malawak ang space sa loob. Ang pinaka-paborito kong part ng bahay ay ang kanilang fireplace.

“Pang-ilang beses mo na yatang nasabi yan Kayleen! Parang first time mo palagi makapunta rito,” sabi nya habang hawak ang blower at pinapatuyo ang buhok nya. May heater sa loob ng bawat kwarto ng bahay nila pati na rin sa banyo.

Nakahiga ako sa kama nyang napapaligiran ng malalambot na unan. Pink na pink ang kwarto nya. Pakiramdam ko nakalutang ako sa mga ulap sa sobrang lambot ng kama nya.

“Kapag naging mayaman ako, magpapatayo rin ako ng bahay na katulad nito.” Pumikit ako para mangarap na may sarili akong bahay na katulad nito. At dito rin kami magbabakasyon ng magiging pamilya ko sa future!

“Sissy! May naisip akong paraan para magkaron ka ng ganito!”

Napaupo ako sa kama nya. “Ano yon?!” excited kong tanong sa kanya. Kumikinang na sigurado ang mga mata ko.

“Pakasalan mo ang kapatid ko!” ngiting ngiti na sabi nya.

Nawala ang ngiti at excitement ko. Binato ko sya ng unan nya. “Sira ka talaga Ashleen! Mas bata ‘yon sa’kin! Tsaka kapatid mo ‘yon!”

“Eh ano naman? Ayaw mo sa kapatid ko? Gwapo naman sya ah. Tsaka mabait pa! At nag-aaral pa syang mag-luto.” Ngumiti sya sa akin nang sobrang tamis. “Diba gusto mo na magaling magluto?”

Sumimangot ako nang tuluyan at muling humiga para titigan ang nakakatuwa nyang ilaw na hugis quarter moon o banana.

“Hindi ako interesado sa mga mas bata sa’kin Ashleen.”

“Alam mo Kayleen hwag kang masyadong choosy ha.”

“Bakit mo ba pinupush sakin ang kapatid mo? Di ka ba naiilang?”

“Bakit naman ako maiilang? Sa tingin ko kasi bagay talaga kayo eh. Diba first kiss mo sya? Yiiieeh! Kinikilg ako!” Naihampas pa nya ng ilang beses sa hangin ang hawak nyang suklay.

Tumayo na ako sa kama nya at naglakad papasok sa bathroom nya.

“Maliligo nalang muna ako. Feeling ko ang dirty ko dahil sa mga sinabi mo. Wala akong balak maging cradle snatcher!”

“Hoy Sissy! Sobra ka naman sa cradle snatcher! One year and eight months lang ang tanda mo sa kapatid ko!”

“Kahit na!” Sinarado ko na ang pinto kaya di ko na narinig pa ang sagot nya.

Pagkarating namin kanina ni Ashton sa bahay ni Lola, mabilis syang sinalubong ng pamilya nya. Alalang alala ang mga magulang nya sa kanya. Si Ashleen naman ay sa akin dumiretso ng yakap dahil namiss na raw nya ako. Kinurot lang nya sa magkabilang pisngi si Ashton nang lumapit sya sa kapatid nya.

Dear Future BoyfriendKde žijí příběhy. Začni objevovat