Ch. 1

877 38 6
                                    

Belle's POV

"Konti nalang. konti nalang criza matatapos ko na ang time machine ko" masayang masayang saad ko sa kaibigan ko

"Ano kaba belle! naniniwala ka talagang gagana yang 'Time machine' mo?" gitgit niya saakin

"Ano kaba! wala namang mawawala kung susubukan ko diba? kahit pa walang documentaries about time machines, alam kong gagana to!" depensa ko

"Halika na nga! baka hinihintay na tayo sa baba ni joao!" Palibhasa'y may jowa kaya nagmamadali!

"Hi belle!" kaway saakin ni joao kasama ang kaibigan niyang si tobby

tinanguan ko lang siya at saka ko nilingon ang kaibigan ko

"Criza, uwi na ako sa condo ko nalang itutuloy yung time machine ko" paalam ko kay criza

"Ha? eh kakain tayo eh! mamaya mo na ituloy yang laruan mo!" saad niya at saka sumibangot

"Tss. hindi to laruan! alis na nga ako" sigaw ko at saka sila tinaguan

nang makarating ako sa condo ay napansin kong naglilipat na ang bagong ookupa sa bakanteng condo
medjo nahirapan siyang buksan ang pinto kaya lumapit ako sakaniya para tulungan siya.

"ah salamat" kamot batok niyang sabi "ahm ako nga pala si Donny. Donny pangilinan" sabi niya sabay lahad ng kamay niya

"isabelle mariano, but you can call me belle" sabi ko sabay abot sa kamay niya "ah sige una na ako, kung may kailangan ka ayan lang ako sa no. 10" dagdag ko pa saka pumasok sa condo ko

Pagpasok ko sa condo ay dumaretso agad ako sa kwarto ko at inilabas ang mga materyales para sa time machine ko, maliit na time machine lang ito, kung ikukumpara sa pocket watch ay halos pareho lang.

Kamay nalang ng relo ang kailangan ko, pagkatapos non ay tapos na. Agad kong kinuha ang kamay ng relo sa desk ko gold ang kilay nito gaya ng labas ng time machine ko.

Nailagay ko na ang mga kamay, isa nalang ang dapat na gawin. Ang pindutin ang botton sa gilid, pero natatakot ako. baka hindi nanaman ito gumana gaya nang unang beses ko itong gawin.

Pumikit ako ng mariin at nagdasal sa lahat ng diyos na gumana ang time machine ko

Dahan dahan kong pinindot ang botton at....


To be continued...

Time machineWhere stories live. Discover now