Ch. 7

252 21 4
                                    

Donato's POV

Magmula noong dumatin dito sa aking tahanan si isabelle ay ramdam ko na ang kakaibang pamiramdam sa tuwing titignan ko siya, kanina ay hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Naguluhan ako bigla sa aking ikinilos.

"Mukhang napakalalim ng iyong iniisip, donato" Nabigla ako sa nagsalita si tanya lang naman pala iyon

"Ano ang iyong ginagawa dito?" tanong ko sakaniya

"Binibisita ka, ayaw mo ba akong makita?" para bang nagtatampo pa niyang tanong

"Hindi naman sa ganon, pero hindi ba't may lakad kamo kayo ng iyong ina? pero bakit narito ka?"

"Hindi natuloy ang lakad namin dahil nagkaroon ng problema sa bayan, kinailangan roon ang mga magulang ko" sagot naman niya

"Ganon ba, halika maglakad lakad tayo sa plaza. mamayang gabi ay may gaganapin na indakan pumunta tayo para makisaya" nakangiti kong yaya sakaniya

Belle's POV

narinig ko ang ang uusap nina donato at tanya, bigla akong nakaramdam ng lungkot. Erase erase! ano ba belle!

lumabas na lang ako sa asotea para makapagpahangin at makapag isip, hindi ko alam kung pano ako makakabalik sa panahon ko. Kamusta na kaya sila criza? hayss

'Balikan ang nakaraan, hinaharap ay iwanan. kasawian ay iwan dito, hanapin ang saya sa panahong hindi ito...'

'Balikan ang nakaraan, hinaharap ay iwanan. kasawian ay iwan dito, hanapin ang saya sa panahong hindi ito...'

'Balikan ang nakaraan, hinaharap ay iwanan. kasawian ay iwan dito, hanapin ang saya sa panahong hindi ito...'

'Balikan ang nakaraan, hinaharap ay iwanan. kasawian ay iwan dito, hanapin ang saya sa panahong hindi ito...'

paulit ulit iyon na nag echo sa isip ko, para bang pinapahiwayig saakin na nandito ang kasiyahan ko, na dito ako sasaya. Pero paano? kelan? pag ba sumaya na ako ay makakabalik na ako? paano kung hindi? edi maii-stuck ako dito forevs? aishh

"Pssst..."

hinanap ko kaagad kung sino yon. Pagtingin ko sa baba ng asotea nakita ko doon si tonio nakangiti saakin kaya ginantihan ko lang siya ng ngiti.
bumaba ako para salubungin siya.

"Gusto mo bang maglibot sa plaza?" tanong saakin ni tonio

"Pwede naman"

"Halika, may gaganapin na indakan mamayang gabi baka gusto mong sumama" sabi niya

ano ba yung indakan? diba sayawan yon? eh hindi naman ako marunong dumayaw

"hindi ba't sayawan iyon? hindi kasi ako marunong sumayaw" nahihiyang tugon ko

"Huwag kang mag-alala may kantahan rin doon, kung hindi karin marunong kumanta ay maari rin tayong makikain nalang doon" natatawa pa niyang sabi

"Psh. Marunong akong kumanta noh! halika na nga sa plaza!" Gutal ko sakanya at natawa naman siya

Time machineWhere stories live. Discover now