Ch. 32

221 20 5
                                    

Donny's POV

Kasalukuyan kaming nasa kotse, si chantal at belle ay natutulog dahil masiyado pa rin maaga. Aabutin ng halos anim ng oras ang bihaye kaya magandang makabawi sila ng tulog.


Matapos ang 2 oras na pagmamaneho ay huminto kami sa isang kainan, umorder ako ng isang tapsilog ,isang sisig, ang dalawang lugaw. Akin yung sisig at tapsilog dahil paborito ko iyon, tig isa naman ng lugaw si chantal at belle.


Naupo sa lap ni belle si chantal. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ah naisipan kong mag picture para naman may remembrance kami.





(For imaginary purposes only!)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(For imaginary purposes only!)


"Aray" narinig kong usal ni belle

"Bakit?" Taning ko sakaniya


"A-ahh na paso kasi ako, mainit pa pala yung lugaw. Chantal palamigin muna natin ah? Mainit pa yung lugaw, baka mapaso ka rin"

Sumandok ako ng lugaw sa mangkok ni belle at hinipan iyon, nung malamig na ay inalok ko kay belle, tapos nung nakanganga na siya ay saka ko iyon ibinigay kay chantal.


Kumunot naman ang noo niya at halatang naiinis! Hahaha ang cute niya talaga!


Kumuha siya ng baso at nilagyan iyon ng tubig mula sa pitsel, inabot niya saakin yon pero agad niyang binawi at pinainom kay chantal.

Tch, gaya gaya! Pero ayos lang gusto parin kita hehe.

Pagtapos kumain ay bumalik na kami sa kotse, si chantal ay tinuloy ang pag tulog niya habang si belle naman ay gising at may ka text sa telepono!

"Who are you texting with?" Tanong ko sakaniya

"Ahh si tobby lang" sabi niya at tinagikid pa ang cellphone

"Tigilan mo yan mahihilo ka"

"Ayos lang sanay naman ako"

"Sanay ka makipag text habang nasa biyahe? Tch"

"A-ahh hindi ibig kong sabihin ay sanay akong mag cellphone habang nasa biyahe" ibinaba niya rin ang cellphone niya at tinuon ang paningin sa daan

"Music tayo ah" sabi niya, binuksan niya yung maliit na compartment doon at kinuha iyong mga cd.

Tumugtog iyong Kundiman by Silent Sanctuary.

Time machineWhere stories live. Discover now