Ch. 13

262 19 6
                                    

Belle's POV

Nagtampisaw lang kami ni donato sa tubig nagpapatagalan rin na hindi huminga sa ilalim ng malamig na tubig na ito.

Masaya ako.

Nauna akong umahon sakanya dahil mabigat na kanina pa ang palda ko sahil sa tubig, pinilipit ko ang aking buhok at palda para kahit papaano ay gumaan.

Naupo ako sa malaking bato malapit sa tubig kung saan pinagmamasdan ko si donato, lumalangoy lang sita doon at halatang masaya siya sa mga nangyayari.

Ako naman ay nalilito. Bakit niya ako dinala dito? Bakit masaya sya?

"Malalim pa sa talon na ito ang iniisip mo isabelle" saad ni donato

"Belle na nga lang kasi" tugon ko sakaniya

"Ano ang iyong iniisip?" Tanong niya habang umaahon.

Pag ahon niya ay kitang kita ko ang katawan niya.susko!

"So bakit mo nga ako dinala dito?"

"Para mawala ang problema ko"

"Papatayin mo na 'ko?"

"Ng pagmamahal ko? Hm, oo" natatawang tugon niya

Speed lang.

"W-wag ka ngang magbiro ng ganyan!"

"Hindi naman biro ang mag mahal?"

"Ano ba?!"

"Gusto kita"

"A-ano?! Wag ka nga magbiro ng ganyan! Kanina lang ang kasal mo pero humaharot kana agad sa iba!" Sigaw ko

"Hindi naman na tuloy hindi ba? Balak mo pa nga itigil ang naudlot kong kasal" ngisi niya

"H-hindi ko naman kase talaga titigilan!" Dahilan ko

Marahan siyang tumawa at pilit tinatago ang ngiti "halika na, baka ako ay hinahanap na"

Bumalik na kami sa mansyon ni donato andoon parin ang mga desenyo ng kasal kanina, maski si tanya ay naroon pa. Magisang umiiyak sa harap habang naupo sa sahig.

Si alberto ay nakatingin lang sakaniya, halatang walang magawa. Tinignan ako sagkit ni donato bago sya lumaput kay tanya.

"Tanya, umuwi ka na" mahinahong sambit ni donato

"D-donato, patawarin mo ako. Hindi ko gustong saktan ka. N-natakot lamang ako na iiwan mo ako kaya gumawa ako ng paraan para manatili ka saakin. N-natakot ako dahil lumalamig na ang pakikitungo mo saakin. Natakot ako dahil mahal na mahal kita donato" umiiyak na eksplenasyon ni tanya

"Hindi mo ako nasaktan, tanya. Ikaw ang aking nasaktan. Hindi mo kasalan na iba na ang aking nagugustohan . Ang kasalanan mo lang ay muntik mo nang ipaako saakin ang batang hindi naman akin." Saad ni donato sakaniya ng walang emosyon

"P-patawad donato, gagawin ko ang lahat bumalik ka lang saakin" lumuhod si tanta sa harap ni donato habang nakikiusap at umiiyak.

"Tama na iyan tanya" pag pigil sakaniya ni alberto

Tumayo si tanya at humarap sa ama ng anak niya

"Kasalanan mo lahat ng ito!" At sinampal si alberto "binigyan kita ng pera upang itikomo mo yang bibig mo! Nakiusap rin ako saiyo at sinabing si donato lang ang aking pakakasalan, sinira mo ang lahat!" Paninisi niya kay alberto

"Alberto, iuwi mona si tanya at huwag na kayong babalik saaking pamamahay" saad ni donato sakanila atsaka ako hinila paakyat sa mansyon niya.

Time machineWhere stories live. Discover now