Ch. 25

231 16 3
                                    

Belle's POV

"Do you want to have some fun?" Tanong niya.

"Saan naman?"

"Sa kabilang buhay"

Bigla ay naalala ko si donato...

"Samahan mo ako" sabi ni donato

"Samahan saan?"

"Sa kabilang buhay"

"A-ano?!"

Hinila ako ni donato at binuksan ang pinto, naroon si tanya pero nilagpasan lang namin siya. Tuloy tuloy ang pag hila saakin ni donato, isinakay niya ako sa kabayo niya atsaka pinatakbo ng mabilis ang kabayo.
Habang tumatakbo, ramdam ako ang napakalamig na hangin na tumatama sa balat ko, kay sarap sa pakiramdam. Yung mga sakit mula sa nakaraan parang napapalitan ng saya.

'Balikan ang nakaraan, hinaharap ay iwanan. kasawian ay iwan dito, hanapin ang saya sa panahong hindi ito...'

Ito na ba yon? Ito na ba yung kasayahang hinahanap ko?

Pero bakit dito? Bakit si donato?

Naputol ang pagiisip ko ng huminto ang kabayong sinasakyan namin.

Napatingin ako sa paligid at bumungad saakin ang napakagandang talon. Napakagandang senaryo.

Inalalayan ako ni donato pababa mula sa kabayo Pero ang paningin ko ay nasa talon lamang at sa tubig na umaagos mula roon.

"Napakaganda dito" saad ko ng may pagkamangha "ito ba ang kabilang buhay na sinasabi mo?" Tanong ko.

"Oo. Ito ang kabilang buhay ko, sa tuwing pumupunta ako diyo ay nawawala ang aking mga problema." Paliwanag niya

"Hey, ano you want to come?" Pagising niya saakin mula sa malalim na isipin

"Tara!" Napatayo pa ako at inilahad ang kamay sakaniya.

"Ahh, s-sorry na excite lang hehe" sabi ko at kaagad na binaba ang kamay ko

Pero nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko, "tara!"

Hawak kamay kaming umalis sa may camp site tapos tumawid kami ng highway.

"San ba tayo pupunta?" Tanong ko sakaniya

"Sa kabilang buhay nga" nakangiting sabi parin niya.

Napangiti nalang din ako,

Mula camp site nilakad lang namin iyong....

"Welcome to Belnato Falls!" Sigaw niya at tinaas pa ang dalawa niyang kamay.

"N-napaka ganda dito.." pilit ngitini kong sabi, pinilitit kong isipin na si donny ang kasama ko at hindi si donato.

"Ito ang kabilang buhay ko, kapag kase may problema o malungkot ako dito ako pumupunta.." sabi niya habang tunatanggal yung sapatos na suot niya.

"B-bakit mo naman ako sinama dito?"

"Eh ikaw ang problema ko eh" ngising sabi niya at itinupi ang laylayan ng pantalon niya.

"Eh bakit sinama mo ako dito?"

"Dahil ikaw ang problema ko."

Tila nagrereplay ang ala-ala namin ni donato ngayon.

"E-edi papatayin mo na ako ngayon?" Para akong tanga na inuulit ang mga sinabi ko noon kay donato.

Time machineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon