Ch. 17

210 15 3
                                    

New character:
Claudia barreto as Ashanta fernandez






Donny's POV

It's been 3 months all the heartbreak payed off dahil finally il-launch na ako bilang artista sa isang sikat na network.

I've finally moved on from lia. Ngayon siya ang humahabol saakin dahil niloko siya ni jerry, araw gabi kung tumawag at minu-minuto kung mag text.

"Donny stand by kana!" Utos saakin nung A.D (assistant director)

Kaagad akong pumunta sa blockings ko nandoon narin ang kapareha ko teleserye na ito.

Ako ang kapatid ng bidang babae dito, mula kami sa mayaman na pamilya na nagsimulang maghirap dahil nascam ang kompanya namin.

"3....2....1.... Action!"

"Elinor, let's break up" linya nuong kapareha ko

"What? Why?.."

"I don't want you anymore, hindi ka na mayaman. Nakakahiya sa friends ko!"

"Bakit, pera lang ba ang habol mo saakin, fiona?" sa eksena ay mabibila siya sa biglang tanong ko

"You know that's not true, elinor. Totoong Nagustuhan kita, but your situation right now is pulling me down!"

"Kung gusto mo ako ay dapat wala kang pakielam sa estado ng buhay ko ngayon!"

"Well that's not the case here elinor, i don't like you anymore."

Tumalikod siya pero hahawakan ko ang braso niya para pigilan siya.

"Fiona wait.."

"What now?!"

"G-give me one more chance.."

"Psh let go of me o tatawag pa ako ng authorities!"

Doon ay hinablot niya pabalik ang braso niya saka umalis

"Cut!" Sigaw ni direk "good take! Everyone take a break!" Dagdag pa nito

"Elinor! Ang galing mo na talaga, pwedeng pwede na ilaunch!" Papuri ng ilang producer na nanonood saakin pati narin si direk

Pinasalamatan ko sila sa mga papuri nila at pumunta sa tent ko, kasama ko doon ang kapareha kong si Ashanta na fiona naman ang pangalan sa teleserye.

Pagpasok sa tent ay sinalubong niya agad ako ng isang matamis na ngiti, ang folding chair ko ay nasa tabi niya kaya lumapit ako.

"Grabe ang laki ng improvement mo simula mag workshop tayo!" Papuri din niya saakin.

"Haha salamat"

"Are tou free later?" Tanong niya saakin.

"Uhm I'm not sure baka kasi pumunta sina mom sa condo. Why?"

"Ahh wa naman hehe"

Tinapos namin ang ilan ko pang eksena, ang P.A ko ay dinala na lahat ng gamit ko sa van. Bukas ay bagong location ang pupuntahan namin para sa eksenang komprontasyon.

"Hello?" Pagsagot ko sa telepono

"Where are you? Kanina ka pa niya hinahanap."

"I'm on my way. Kakatapos ng ng shoot ko"

"Hurry up, baka umiyak nanaman ito"

"Yes, yes"

Belle's POV

Dugo. Puro dugo. Ayoko ng dugo. Takot ako sa dugo. Bakit may dugo?

Mga putok ng baril ang maririnig mo sa buong bayan ng san ricel,

Mga taong nakahilatay at wala ng buhay.

Nasaan ka na donato?

Ang masayang araw kahapon ay napalitan ng takot, lungkot at kaba. Nasaan kana donato?

Ang mga kasamahan ko sa mansyon ay pulos patay na at wala ng mga buhay. Nasaam ka na ba?

Lumabas ako ng mansyon dala ang isang pistol na ibinigay saakin ni donato bago kami maghiwalay, ang sabi niga ay magtago lamang ako sa lob ng opisina niya dahil pupuntahan niya ang kapatid niyang babae na nasa puder ng kaniyang tiyahin.

Ngunit sa sobrang pag aalala at kaba ko ay pinilit kong sundan si donato pero hindi ako makapag concentrate.

Nasaan ang hustisya? Saan dito ang saya?

Paulit ulit ko iyon tinatanong sa sarili ko dahil alam kong dito ako sasaya, pero paano? Paano kung may mangyaring masama kay donato? Paano na ako?..

Pinilit ko maging malakas kahit na natatakot ako, dumadaan ako sa liblib na daan upang hindi ako makita ng mga naglalaban.

Labanan ni heneral diosyano at ang ama ni donato nasi gobernador antonio.

Nang makita ko ang likod ni donato ay kaagad ako na tumakbo palapit sakaniya. Ngunit sa pagpapiy ko ay parang nadurog ang puso ko.

Buhat buhat niya ang isang bangkay ng batang babae na sa tingin ko ay iyon ang kapatid niya.

May tama sa ulo at dibdib ang bata si donayo ay may tama sa balikat pero hindi niya iyon iniintindi. Umagos ang mga luha niya at yinakap ang kapatid

"D-donato.." lumapit ako sakaniya at hinimas ang likod niya, tumayo siya at ibinaba ang kapatid sa damuhan.

Hinawakan niya ang kamay ko,

"Kailangan nating makaalis sa lugar na ito." Saad niya tinignan pa muna niya ako saka ako hinila, tumakbo kami ng tumakbo. Kahit saang daanan namin ay may nagbabarilan.

Nagtago kami ni donato sa likod ng isang bahay, ngunit nanlamig ang mga kamay ni donato dahil sa nakita niya.

Tinignan ko ang tinitignan niya.

"Jusko.." napatakip ako ng bibig

Si tanya iyon, walang damit at duguan. Ano ang nangyari sakaniya?

Hinubad ni dknato ang coat niya at ipinatong sa katawan ni tanya..

"Donato!" Sigaw ko sakaniya ng may biglang dumating na alagad ni heneral diosyano.

Agad na binaril ni donato ito kaya napatumba niya.

"Halika na donato!" Tawag ko sa kaniya ng biglang dumating pa ang ilang alagad ng heneral.

Tumakbo kami papunta sa bayan kung saan maraming nakakalat na katawan.

Pumunta kami si munisipalidad ng bayan. Naroon si heneral diosyano at gobernador antonio magkaharao at magkatutok ng baril.

Ipinutok ni heneral diosyano ang kaniyang baril..

At..

Time machineWhere stories live. Discover now