Ch. 5

303 22 5
                                    

Belle's POV

2 oras matapos kong maglinis dumating na yung mga bisita ni donato.

Isang babae at isang lalake

Iyong babae siguro yung syota ni donato

[A/N oo naman alanga naman yung lalaki?]

Shet... SHET! si jerry yon ah

"Tuloy kayo" bati ni dinato sa mga bisita "ito ang bago kong kasambahay" pakilala naman saakin ni donato

napatitig sila saakin pero agad ding lumapit yung babae kay donato pero si jerry este yung kamuka ni jerry eh nakatingin parin saakin

"A-ako nga pala si Tonio Asuncion" pakilala niya saakin

kingina pati apelyido ay pareho

"Isabelle mariano" sabi ko at saka siya nginitian

"Isabelle pumunta ka sa bayan at bumili ka ng makakain" utos naman sakin ni donato

"Hindi ko alam kung san yung bayan at wala akong pambili" deretso kong sabi sakaniya

"Iyan ba ang katulong mo donato? kay bastos ng bibig nang babaeng iyan" pagiinarte nung syota nya

"Pagpasensiyahan mo na Tanya, Isabelle sasamahan ka ni nita sa bayan ang siya na ang bahala sa gastusin"

tumango napang ako sakaniya at sumunod kay nita. tss badtrip yung syota nya ah maganda nga epal naman.

Donato's POV

"Tanya, naisip mo na ba kung anong buwan mo gusto ganapin ang ating kasal?" nakangiti kong tanong sa aking kasintahan

"Gusto ko sanang ikasal tayo sa buwan ng Disyembre" tugon nintanya

"Kung ganon, Disyembre ang ating kasal!" masayang masaya kong sabi

"Donato, taga saan ang bago mong kasambahay?" tanong saakin ni tonio

"Ang sabi niya ay hindi niya apam kung saan siya natakira dahil hindi siya nakakaalala"

"Maganda ang bago mong kasambahay, donato" natatawa niyang sabi

"Umiiral nanaman ang pag ka babaero mo, Tonio"

"maganda ba iyon? kay bastos nga kung sumagot" saad ni tanya

natawa nalang kami ni tonio.

Belle's POV

"Isabelle diyan ka lamang, pipili ako ng sariwang isda" sabi sakin ni nita at tumango ako

inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bayan parang palengke lang pero mas malinis at mas maliit konti lang din yung mga nagtitinda.

"Ate bili kana saakin ng bulaklak, dalawang piso lang ang isa." nakangiti niyang sabi sakin

Teka... Ito yung batang wierd eh! ano na nga yung sabi niya...

'Balikan ang nakaraan, hinaharap ay iwanan. kasawian ay iwan dito, hanapin ang saya sa panahong hindi ito...'

"Balikan ang nakaraan, hinaharap ay iwanan. kasawian ay iwan dito, hanapin ang saya sa panahong hindi ito..." mahinang bulong ko sa sarili.

nanlaki ang mga mata ko sa narealize ko! ang batang ito ang dahilan kung napunta ako dito!

"Bata kilala mo ba ako?" tanong ko sa bata

"Paumanhin pero hindi ko po kayo kilala" sagot nung bata "Bibili po ba kayo ng bulaklak?" tanong niya pa saakin

"Isabelle! halika na, pupunta tayo sa bilihan ng mga prutas!" pagtawag saakin ni nita

"ah bata pasensiya na ah wala kasi akong pera, sa susunod pag may pera na ako bibilin ko lahat ng bulaklak mo" panghihikayat kong sabi sa bata at nginitian naman niya ako

"Pramis yan ate ha?" nakangiti niyang sabi

nanlaki yung mga mata ko Pramis?! eh wala pang ganong salita sa panahong to ah. napalingon ako sa bata pero pag lingon ko wala na sya.

Time machineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon