Love That Never Dies

506 21 1
                                    

Yakap ng Hangin

"O? Dr. Salvador, ang aga yata ng uwi natin ah?" Tanong ng aking kapwa doktor nang makita niya akong dala dala na ang aking bag at tinanggal ang lab coat ko.

"May bibisitahin kasi ako. Ngayon lang 'to." Ani ko habang busy sa paglalagay ng gamit sa bag.

"Sino ba 'yan? Chix ba?" Tanong pa niya habang sumisimsim sa kaniyang hawak na baso ng kape. Hindi pa rin talaga ito nagbabago mula noong kolehiyo.


"Basta! Espesyal na tao 'to para sa akin okay? 'Wag ka nang masyadong maraming tanong at nagmamadali ako." Paalam ko bago umalis.


Ang init ng matingkad na araw ang bumungad sa akin paglabas ng ospital na tila ba sinasabi sa akin nito na para sa akin at para sa babaeng pinakamamahal ko talaga ang araw na ito. Tumungo na ako sa aking sasakyan at bago ako tumuloy sa paroroonan ay dumaan muna ako sandali sa flower shop upang bumili ng isang dosena na puting rosas. Paborito kasi niya ito e


"Napakaespesyal siguro ng babaeng bibigyan niyo nito, Doc!" Daldal sa akin ng babae habang nagbibilang siya ng isusukli sa akin. Ngumiti ako at saka sumagot.


"Oo, tama ka. Sobrang halaga niya para sa akin." Inabot ko mula sa kaniya ang sukli at umalis na roon dala dala ang mga bulaklak na pinamili. Inilagay ko ito sa upuang bakante sa tabi ng aking sasakyan saka ako tuluyan nang umalis upang dumiretso na sa pupuntahan ko.


Hmm, matagal tagal na rin noong huli tayong nagkita. Gustong gusto ko nang makasama at mayakap ka. Pagkarating ko sa pook ay bumungad sa akin ang napakalawak na lupain na punong puno ng mga bagong tabas na bermuda grass. Dinidiligan pa nga ito ng mga tao roon at ang iba sa kanila ay nginitian ako at saka binati. Hindi na ako nagtataka na kilala na nila ako dahil taon taon ba naman ako narito at tuwing may espesyal na okasyon ay hindi rin ako mawawala rito.

"Kamusta po kayo, Doc?" bati ni Mang Nestor habang nagwawalis ng mga natuyong dahon sa sementadong parte nitong lugar. Bawat pagaspas ng kaniyang walis sa lupa ay dinig na dinig sa kalawakan ng lugar na ito.

"Ayos naman po, Mang Nestor. Kayo ho ba?"

"Ay, nako! Ayos na ayos din po! Hinihintay na po kayo ni Ma'am!" Nakangiti niyang sabi. Kaya hindi na nagtagal ang aming pag-uusap dahil nagpaalam na ako kaagad upang puntahan ang talagang ipinupunta ko rito.

Bawat pagtapak ng aking mga paa sa bermuda grass ay unti-unti na naman akong nakararamdam ng kirot sa aking puso na tila ba ito ay sinasaksak nang paulit ulit. Unti-unti rin bumabalik ang mapait kong ala-ala na bitbit mula sa lugar na ito.

Dahil ang lugar na ito ay kung saan hinatid ko ang babaeng pinakamamahal ko sa huli niyang hantungan. Dinama ko ang mapayapang simoy ng hangin na tila niyayakap ako sa kabila ng aking pait na nararamdaman. Nakaramdam ako ng kapayapaan dahil nararamdaman ko ang aking ina na niyayakap ang paborito niyang anak.

'Leilani M. Salvador'

Dahan-dahan akong ngumiti nang basahin ko sa aking isip ang nakaukit sa isang lapida. Lumuhod ako at umupo sa harap nito. Inilagay ko na rin ang dala kong mga bulaklak sa ibabaw nito saka ko kinuha ko ang litrato niyang nakatago lang sa pitaka ko at tinitigan lamang ito.


"Kamusta ka riyan sa langit, Ma? Pitong taon na mula noong nawala ka ngunit sinisisi ko pa rin ang aking sarili sa nangyari. Sinisisi ko pa rin ang aking sarili sa pagkamatay mo."

Nahirapan pa ako sa paglunok dahil parang may nakabarang bato rito at ang aking mata naman ay unti unti nang napapalibutan ng mainit na likido. Pinikit ko ang aking mga mata at tumingala sa langit habang hinahayaan ang aking luha na umagos pababa ng akin mga pisngi.

Compilation of One Shots StoriesWhere stories live. Discover now