When I'm With You

159 16 2
                                    

WHEN I'M WITH YOU

---

I am currently in a relationship with someone I really love right now.




Ibang iba 'tong pag-ibig na nadarama ko ngayon kumpara sa mga past relationships ko. Masasabi ko talagang siya na yung 'the one' para sa akin.




Like other couples, lagi kaming magkausap, magkasama man o hindi. Simple goodmorning lang napapasaya namin ang isa't isa.




Kapag nasa public, ang sweet sweet niya sa akin at isa 'yon sa mga nagustuhan ko sa kaniya. Ang sarap sa feeling na magkaroon ako ng boyfriend na katulad ni Loren. Yung hindi ako tinatago.




Simple dates ay naeenjoy namin. Tamang kain lang ng isaw o lugaw sa kanto, manood ng movies kada linggo, pumupunta siya sa bahay para makipagbonding sa mga kapatid ko't magulang ko at lagi mo 'rin siya maaasahan kapag kailangan mo ng tulong.




Sa loob ng dalawang taon relasyon namin ay masasabi kong 'di kami nagkakalabuan. Oo, may away na nagaganap pero aayusin niya rin naman kaagad. I am happy and contented with him.




Hindi na ako hihiling ng iba pa.




He's the one. I know he's the one.




"Kyrah ghorl? Paano mo naman na sabi na siya na talaga ha? Masyado kang nag aassume kaagad." Pagpuna ng kaibigan ko.




Palibhasa naiinggit.




"Geez, dalawang taon na ngang may kami e! Ano bang pinagsasasabi mo diyan ha?" I answered.




"Porket dalawang taon ng may kayo ay siya na kaagad? Siya na kaagad yung the one mo? Magtigil ka nga Kyrah." Natatawa niyang saway sa akin.




"Duh? Bukod sa dalawang taon na kaming magkasama ay masaya ako sa kaniya." Medyo naiirita kong sagot. Inismiran ko siya at bumaling nalang sa kung saan.




"Kyrah? Tell me, paano mo masasabi na kapag yung tao na 'yon ay yung 'the one' na?" Napalingon ako sa kaniya sa tanong niya. Napangiti ako bago humarap sa kaniya.




"Hmm..." I took a deep breath bago magpatuloy na sagutin siya.




"Kung ikukumpara ko sa past ko. Nung mga panahong kami pa ng exes ko, alam mo yung feeling na... I am trying to be someone I wasn't, I am trying to be what they want me to be..." Sabi ko at tila ba bumabalik ang mga alaala ng nakaraan ko.




"But when I'm with Loren, wala lahat ng nararamdaman kong takot, sakit, paghihirap." I smiled when I saw mental images of him, of us.




"With Loren, I am me. I'm comfortable to show who I truly am."




I didn't expect na makakaranas ako ng ganitong pagmamahal. To be loved my someone I love.




Nauna ng umalis ang kaibigan ko dito sa coffeshop, pauwi na'rin sana ako when my phone rang.




"Hey babe!"




[Hi, uhm where are you?]




Mukhang pagod na pagod ang boyfriend ko ah.




"Nasa coffee shop."




[Okay, I'll pick you up.]




"Wag na, mukhang pagod ka na e! Just rest at home, babe." Ang sweet talaga.




Compilation of One Shots StoriesWhere stories live. Discover now