Hidden Story of Happy Tree Friends

239 18 4
                                    

UNTOLD STORY OF HAPPY TREE FRIENDS

---

Happy Tree Friends is known for its gore and extreme violent scenarios each episodes.



Marami ang nagtataka sa bigla nalang nitong pagkawala sa telebisyon. Hindi kaya may kinalaman ang pagka-banned nito sa Russia kaya ganon nalang din ang ginawa ng ubang bansa upang maprotektahan ang lahat? Pero saan naman poprotektahan?




Alam nating lahat na ang Happy Tree Friends ay hindi isang palabas na pambata pero marami ring bata na nagpupumilit manood nito at gayon rin sa matatanda.




Ang katotohanan sa bigla nitong pagkawala ay masyadong pinagtatakpan ng mga pamahalaan.




Back in 2005, ang taon kung saan tinanggal ito sa bansang Russia, ay may isang insidenteng nangyare sa tahanan ng mga Rikolov.




Maayos lamang na nanonood ang magpipinsang Rikolov noon sa kanilang tahanan ng isang nakakatakot na pelikula ngunit may isa sa kanila na natakot ng sobra kung kaya't inilipat nalang nila sa isang palabas na kaaya aya ang itsura at makulay na cartoons na pinamagatang Happy Tree Friends.





Nung una ay nagtatawanan at natutuwa pa ang magpipinsan habang pinapanood ang mga brutal na eksena sa palabas na ito. Nagkakatuwaan pa nga sila na ginagaya kunwari ang nasa telebisyon. Kahit na makulay at nakakaengganyong panoorin ang cartoons na iyon ay may itinatago pala itong kabrutalan na hindi mo manlang mahahalata sa kanilang panlabas na anyo.




Nakalipas ang dalawang oras nilang panonood ay hindi na nakayanan ng pinakabata sa kanila na labing anim na taong gulang ang mga brutal na eksena kung kaya't nakiusap siya sa mga pinsan niya na kung maaari ay ilipat na ito sa ibang palabas ngunit nagalit kaagad ang iba niyang mga pinsan sa kaniya at hindi pinagbigyang hiling ang kaniyang nais dahil raw natutuwa pa silang manood. Binantaan pa siya ng isa na kapag nagpumilit pa ang dalaga ay gagawin sa kaniya ang mga karumaldumal na gawain doon sa palabas.




Nagalit ang dalaga at nagkukuha ng mga kagamitan sa kusina. Pagkabalik niya sa kanilang sala ay tumitig muna siya sa palabas na parang nag uusok ang ilong sa sobrang galit at nagawa niyang patayin lahat ang kaniyang mga pinsan. Pinagsasaksak, pinagpupugot ang ulo at kung ano ano pa ang ginawa niya kaniyang mga pinsan.




Dumating ang mga nakatatandang Rikolov na mataas ang posisyon sa pamahalaan ng Russia at nadatnan ang ganoong sitwasyon sa kanilang tahanan ngunit umiiyak lamang at punong puno ng dugo ang dalagang mistulang tuta na maamo. Nagsinungaling siya at sinabi sa mga magulang na may mga rebelde raw na malaki ang galit sa kanilang pamilya at siya'y nakatago lamang sa isang silid kung kaya't hindi siya napatay.




Naniwala naman ang mga nakakatandang Rikolov sa kaniya dahil sa napakaamo nitong mukha na kahit kailan ay alam nilang hindi makagagawa ng kasalanan.




Ilang linggo rin na nanginginig sa takot ang dalaga at hindi na binunuksan ang telebisyon dahil para siyang natauhan sa kaniyang nagawa at umamin na siya ang pumatay sa kaniyang mga pinsan. Napuno ng galit at paghihinagpis ang mag anak at itinanong sa kaniya kung bakit iyon nagawa. Sumagot lamang siya na para siyang nawala sa kaniyang huwisyo nung araw na nanood sila ng palabas na Happr Tree Friends at doon napagtanto ng pamilyang Rikolov na hindi bastang palabas lang palabas na iyon.




Ang Happy Tree Friends ay isang palabas kung saan habang pinanonood mo ay para nilang gimugulo ang isip mo at pagkatao hanggang sa maakit kang gawin ang mga kabrutalan na pinaggagawa nila upang bawasan ng bawasan ang mga taonsa daigdig at nagtagumpay naman ang management ng Happy Tree Friends doon. Kaya't hiniling ng mga Rikolov sa kanilang Prime Minister na alisin na ang palabas na iyon sa kanilang bansa at agad naman itong naaprubahan.




Walang nakakaalam ng mga pangyayaring iyon at kung bakit iyon biglang pinagbawal sa bansang Russia dahil sa oras na maisuwalat ito ay labis na kamumuhian ang kanilang pamilya at ang dalaga dahil ang dalaga nga ang pumatay sa sarili niyang mga kamag anak.



Patuloy pa rin ang palabas na ito sa iba't ibang mga bansa at patuloy lang na nangyayari sa ibang bansa ang nangyari sa pamilyang Rikolov hanggang sa unti unti ng napupuksa ang palabas na ito.




Ako nga pala si Emiliana Rikolov, dalawampu't isang taong gulang na nanahan sa kasukdulan ng kagubatan dito pa rin sa sarili kong bansa na nagpapatunay na hindi lahat ng palabas o kwentong inyong napapanood ay kaaya aya at maaaring hilingin na nangyayari uto sa tunay na buhay dahil minsan ay ito rin mismo ang maglalagay sa iyo sa kapahamakan. At isa pang bagay na dapat ninyong matutunan na hindi nakabase sa gaano kabait, kaganda o kaamo binabase ang magagawa o kakayahang gawin ng isang tao, gaya ng sa palabas na Happy Tree Friends, kung titignan mo sila sa pisikal na kaanyuan ay makikita mo na masaya at nakakaengganyo itong panoorin ngunit sa kabila noon ay ang mga brutal at karumaldumal na mga gawain nila.




Indeed. Looks can be deceiving.

---

Compilation of One Shots StoriesWhere stories live. Discover now