The Man in the Spoliarium

101 3 0
                                    

This work is a collaboration with my friends.


---

Court's POV





"Court! Bilisan mo na dyan! Nandyan na ang mga kaklase mo sa labas, kanina pa naghihintay!" Pasigaw na tawag sa'kin ni mama.




"Opo! Andyan na po Ma!" Sagot ko naman kay mama habang palabas na ng kwarto bitbit ang aking bag na naglalaman ng notebook at ballpen bago ako tuluyang umalis ay pinabaunan muna ako ni mama ng tinapay.




"Ma! Una na po ako." Paalam ko sa kaniya, sabay halik sa pisngi nito.




Lumabas na ako ng bahay at nakita ko ang mga kagrupo ko sa research na gagawin namin. Mukhang kanina pa pala sila naghihintay rito sa labas. Pupunta kasi kami ngayon sa National Museum para sa research na gagawin namin.




"Ano ba yan Court! Ang tagal mo namang lumabas, sayang ng oras e." bungad sa'kin ni Milford nang makalapit ako sa kanila. Siya ang leader ng grupo.




"Hoy, Milford! Wag mo nga sigaw-sigawan ang babyloves ko. Ang aga pa naman nga!" Sabat naman ni Berry, may crush daw sakin pero di naman ako naniniwala. Sabihin nating wala lang talaga akong interes sa mga pag ibig na 'yan.




"Tama na nga yan. Kompleto naman na tayo, kaya baka pwede na tayong pumunta sa museum?" Pagsisingit naman ni Celeste, ang mainipin kong kaklase. Ang aga aga ay nagsusungit na kaagad.




"Oo nga, inaantok na agad ako e," pagsasang-ayon naman ni Spiethy.




"Ang aga aga inaantok ka. Ganyan va talaga pag napuyat kakanood ng porno ha?" Malokong tanong ni Berry dahilan para hampasin siya ni Spiethy ng folder.




"O sya, let's go groupmates. I'm so excited, baka may mga pogi dun!" Pag-aanyaya naman ni Eirene na puro kaharutan ang alam.




Habang nasa biyahe ay wala akong ginawa kung hindi ang tumingin lamang sa mga estraktura sa labas kahit na nagdadaldalan sila. Hindi kasi ako mahilig makihalubilo sa kahit na sino.




Nakarating kami kaagad sa Museum, malapit lang naman kasi ito sa bahay namin. Nakakamanghang tingnan, sa labas pa lamang damang-dama mo na ang makalumang atmosphere nito.




"Okay, groupmates. Kailangan n'yong magpakatino ngayon dahil nandito tayo sa National Museum. Kapag may nabasag o may nasira ni isa d'yan hindi ko na'yon problema kaya kung pwede ipasintabi n'yo muna yang pagiging malikot n'yo." Ani ni Milford at nagsitanguan naman kami na parang mga sumusunod na aso.




Lumapit sa'min ang isang babae na may konting katangkaran at nasisigurado ko ay mas matanda s'ya sa'min nang ilang taon.




"Welcome students. I'm Salacia, your guide for this tour. I'll tell you all about the things you will see. If you have any questions, please ask. It's my job to answer them. All my time is free to talk to you sightseers" nakangiting sabi n'ya. Natutuwa naman sa kaniya ang mga kasama ko. Hindi ko akalain na medyo nakakailang dahil ako lang ang nag iisang lalaki rito sa grupo namin.




Pumasok na kami sa loob at bumungad sa'min ang napakalaking espasyo at napakadaming hagdanan. Umakyat kami at naramdaman ang pagbago nang ihip ng hangin. Kanina ay malamig lamig pa ngunit habang pataas nang pataas ay umiinit na. Siguro dahil hindi umabot ang lamig rito sa taas.




"Alam niyo? Medyo mainit 'no?" Reklamo ni Celeste kaya sinita siya kaagad ni Milford. "Bida bida, tss."




"The National Museum of Natural History in Manila is a natural history museum in the Philippines..." Biglang sabi ni Miss Salacia "...The building now occupied by the museum was built as the agriculture and commerce Building in 1940. The neoclassical building and was designed by Filipino architect, Antonio in late 1930's" pag papaliwanag n'ya.




Compilation of One Shots StoriesWhere stories live. Discover now