SOCIETY

134 12 1
                                    

SOCIETY

---

"Ams, tama naman ako diba? Aanuhin yung kagandahan at katalinuhan kung hindi ka naman mabait diba?" Rant sa akin ng kaibigan kong hindi mapakali sa pagkatalo niya ngayon. Hindi yung pagkatalo niya ang iniinda niya kundi yung mga sinasabi ng tao na hindi raw siya maganda at matalino, mabait lang siya.




"Grabe naman ata sila, Ams. Porke hindi ako maganda at matalino hindi na ako pupwedeng manalo? Anong klaseng lipunan nga ba naman ang meron tayo ngayon at sa gano'n nalang sila bumabase!"




Umupo ako sa harap niya at hinawakan ang dalawa niyang kamay.


"I hate to tell you this but yeah. Sa lipunan na mayroon tayo ngayon, kagandahan at katalinuhan pa rin ang mananaig over kabaitan." I said softly.



"But why? Hindi na ba valid ang kabaitan ngayon? Anong klaseng mga tao sila kung sa ganoong paraan sila tumingin, Ams? Kailangan nilang matuto dahil to be honest? Nakakaawa sila." She's about to cry after saying those words. Masyado siyang naapektuhan sa mga sinasabi ng iba.



"Look, Kalypso. Nakakaawa sila because they see things in that way, but hey... Don't you think na mas nakakaawa ka dahil hanggang ngayon ay umaasa ka pa rin na magbabago ang pagtingin ng lipunan na ating kinagisnan? No, Kaly. It's been over decades na naghihintay ang lahat sa pagbabago ng lipunan natin pero anong nangyayari? May pagbabago ba? Wala." I pleaded. Her tears starts to fall dahil sa mga sinabi ko.




"Kung ganoon pala, I don't think I belong here. I feel out of place dahil sa mga sinasabe nila na mabait lang ako pero di ako matalino o maganda. " Huminga siya ng malalim saka tumingala sa kisame. I sighed and smiled a little.




"We all belong here, Kaly. We all are. Masyado ka nagpapaapekto sa sinasabi ng iba. You should make it as a motivation kesa iyan ang maghila sa'yo paibaba. It's time para tayo na ang mag adjust sa society dahil kung maghihintay pa rin tayo? Habang buhay tayo magiging talunan kaya ngayon palang matuto na tayong makipagsabayan." I told her while looking in her eyes, trying to convince and motivate her.




"We always blame society, but we are the society." I added




"Amour... " I smiled and hugged her tight.





"You choose. It's either you make yourself better or just suck with it."

---

Compilation of One Shots StoriesWhere stories live. Discover now