London's Bridge

84 10 2
                                    

LODON'S BRIDGE

Dedicated to: @JhoanaLedesma

---

"Dez kasi! Ilakad mo na ako sa kaibigan mo! Para namang hindi tayo magkababata ha," pagmamakaawa nitong kaibigan kong si London. Since pinanganak ata kami magkaibigan na kami dahil bestfriends ang mga nanay namin.




"Ayaw nga sa'yo ni Lani diba? Tapos nagpupumilit ka pa!" naiiritang tugon ko dahil kinukulit niya ako na ilakad siya kay Lani, bestfriend ko na nakilala ko last last year. 'Di ko nga alam at anong nagustuhan niya roon e... Kunsabagay, maganda si Lani, famous din, babaeng babae. Walang wala ako.




"Dali na kasi Dezreal! Ikaw amg magiging tulay sa aming dalawa! Ayaw mo no'n?! Kapag naging kami edi karangalan mo 'yon kasi ikaw ang nagsilbing tulay namin." Ayoko. I'll be the bridge tapos pag nagkatuluyan sila, para ko na ring sinaksak puso ko gano'n? Tss.




"Kaya mo na 'yan!" ani ko sa kaniya. Ngumuso siya at biglang lumiwanag ang mukha na parang may naisip.





"Nubayan! Sagot ko na buong pagkain mo sa school! Araw araw!" Napalingon ako sa kaniya at napangiti.




"Sure ka ha?" paninigurado ko at tumango siya, kaya naman ay pumayag na ako.




I once had feelings towards him and nagfade na rin naman 'yon nung nalaman niya. Nakakahiya kaya na bestfriend ko tapos maf'fall ako... Okay shit, gusto ko pa rin siya pero marunong akong tumupad sa usapan. Si Lani ang gusto niya and not me, kay Lani siya masaya at hindi sa akin then I'll support him since gusto kong masaya siya. Araw araw ay tinatanong ko si Lani kung may gusto siyang kainin at sasabihin kay London and matic naman na nandyan agad siya. Nung una medyo awkward si Lani sa kaniya yet mukhang nagkakasundo naman na silang dalawa.




"Grabe Dez!! Akalain mo yun? Pinagbigyan niya akong ligawan siya, Dez!" maligayang pagkukwento sabakin ni London habang nakatambay kami rito sa bahay. Hindi nalang ako umiimik at tumatawa tawa nalang. Masaya ako na masaya siya.




"O, nililigawan mo na siya kaya hindi mo na ako kailangan pa diba?" mapait na tugon ko. I can't help it, damn.





"Ba't parang hindi ka masaya? 'Wag kang mag alala! Hindi ko aagawin si Lani sa'yo. Bestfriend ka naming dalawa. Saka anong 'di na kailangan!? Marami pa akong gustong malaman sa mga gusto at ayaw ni Lani 'no!" Halatang halata talaga sa mukha niya na masaya siya. I need to forget my feelings for him.





Paano ko magagawa 'yon kung araw araw pa rin siyang pumupunta rito para lang ikwento sa akin ang mga ginawa nila ni Lani sa buong araw. Pwedeng pwede ako umalis at hindi siya pakinggan pero mas pinipili kong marinig mga kwento niyang masasaya. Napapadalas na ang pagdedate nila ni Lani at nakwento niya sa akin nung huli kaming magkita ay aalukin niya na raw ito kung pwede niya maging kasintahan. So syempre, need na naman niya ng tulong ko.





Ako dapat ang nagsisilbing kupido nilang dalawa ngunit bakit parang ako ang nahuhulog?




Isang araw ay sinubukan kong lumandi sa iba at kalimutan siya. Masaya namang kasama si Nathan, kaibigan ni London. Dahil sa kaniya ay nakalimutan ko si London kahit papaano. Madalas ko pa rin nakikita si London at Lani na magkasama habang magkasama kami ni Nathan. Bibihira nalang din kami magkita ni London dahil si Nathan ang lagi kong kasama.




"Hoy ikaw ha! Anong meron sainyo nung Nathan na 'yon!? Kaya pala wala ka ng oras sa akin kasi may bago ka na!" Nagulat ako nang makita si London sa sala pagkauwi ko.




"Oh himala at nandito ka ata. Saan si Lani? Kayo na ba?" I almost sound sarcastic sa pagkakatanong ko. Nagbago ang timpla ng mukha niya sa sinabi ko. Hmm, what's new? Magkaaway sila?





"Anong meron sa inyo nung Nathan ha!?" pag-iiba niya sa usapan.




"Wala. We're dating," I answered directly at inaabangan ang reaksyon niya. "But it didn't work so, friends lang kami."




Totoo 'yon. I stopped dating Nathan dahil hindi ko maatim na gumamit ng tao makalimot lang sa taong mahal ko na may mahal na iba and besides si London pa rin talaga.




"I also stopped dating Lani." Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Nakatitig siya sa akin gamit ang kaniyang mga madramang mata.





"S-since when?" I asked. Is it because of me?





"Nung araw na nagsimula kang umiwas sa akin. Doon ko narealize na hindi kita kayang hayaang malayo sa akin, hindi ko kayang makitang masaya ka kasama ng iba. I was selfish. Sa kahit na anong problema, sa kahit na anong okasyon, ikaw ang nandiyan para sa akin. I am so blind para hindi makita 'yon." Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng aking luha sa mga naririnig ko ngayon sa kaniya. Panaginip ba 'to? Kasi kung oo, don't wake me up.





"H-ha? London, ano 'to? Joke na naman ba? Prank?" Umiling siya at tumayo bago naglakad palapit sa akin.





"Sorry, tuluyan na akong nahulog sa sarili kong tulay," aniya bago ako yakapin. Napangiti ako ng malawak at yumakap pabalik. Hindi naman pala imposible ang mahalin niya rin ako. Ang sarap sa pakiramdam. Ang saya saya. I will no longer be his bridge.





I will no longer be London's bridge.

---

Compilation of One Shots StoriesWhere stories live. Discover now