Dear Crush

103 5 0
                                    




Dear Crush,

Nakita kita kanina kaya ayon matic na 'add to hart' kaagad agad. Ang tangkad tangkad mo, ang cute mo lalo na nung nakatabi kita aba todo kilig si ako. Kaso di mo ako gusto pero salamat dahil hinayaan mo akong gustuhin kita kahit sa malayo.




Dear Crush,

Uy, ilang buwan na magmula nung naging crush kita at ngayong araw mo nalaman ng dahil sa mga punyetang kaibigan ko. Sana hindi magbago ang pakikitungo mo sa akin, sana hindi ka mailang o hindi mo ako layuan. Panay asar ang natanggap mo sa mga barkada mo kaya naiintindihan ko kung bakit ang sama ng tingin mo aa akin kanina. Sorry...




Dear Crush,

Medyo ilang ka sa akin pero ayos lang dahil no choice ka at ako ang katabi mo magmula ngayon hanggang sa katapusan pero di ka naman nagsasalita. Medyo nilayo mo pa nga ang upuan mo sa akin e, mabaho ba ako? Hindi naman. Alam mo, crush? Ambango bango mo hihi kanina pa kita sinisinghot ng hindi mo alam kulang nalang nakawin ko pabango mo pati... Puso mo aaaaaa!




Dear Crush,

I've been crushing you for two years now. Hindi na nga kita kaklase kaya bibihira nalang din kita makita pero dontcha worry crush, ikaw lang lalabs ko hihi! Sabi nga ng mga kaibigan ko tigilan ko na raw ikaw dahil kahit kailan di mo raw ako magugustuhan kasi... Mamahalin mo lang! Char! Pero oo nga, ilang taon na kita hinahangaan pero parang ala naman sayo. Kaibigan ko na nga mga kaibigan mo pero di mo pa rin ako pinapansin! Isang krasbak lang dyan oh.




Dear Crush,

SA WAKAS! Nagkaroon din ng process pagkacrush ko sayo at medyo close na tayo. Pero ika nga nila masamang umasa pero atleast diba close na tayo! Hindi ka na nga lumalayo pag nakakatabi mo'ko, hindi ka na rin mailap pag kausap mo'ko! Masama umasa pero heto lalo akong umaasa!




Dear Crush,

Hinatid mo lang naman ako sa bahay kanina pero ba't feeling ko na pakakasalan mo na kaagad ako?! Pinakain ka pa nga ni mama ng dinner kanina yieieie kilig siya dinner with his future wife's famileh! Shet lalo akong nahulog sayo nung niligtas moko mula sa paghuhugas ng pinggan!




Dear Crush,

Tamang iyak lang ako ngayon dahil gagraduate na tayo sa highschool pero tayong dalawa? Kelan tayo gagraduate mula sa pagiging magkaibigan? Char lang bb ko! Sabay kamo tayo gagraduate hanggang college diba?! Yiiee ano kayang kukunin mong course? Wag nalang course kunin mo, puso ko nalang! Anebe! Metegel nemen ne ekeng sayo e.





I just laughed at myself nang mahalungkat uli ang mga liham ko na natira rito sa kwarto ko sa lumang bahay. Akala ko kasi naibigay ko lahat, may mga natira pala. Ngumiti ako at kumuha ng bagong papel at pluma.





Dear Crush,

Hi, it's been what? A decade and five? Fifteen years na magmula nung huli mo'kong nakita. Iniwan mo'ko before college para ituloy sa ibang bansa ang pag aaral mo. Bago ka umalis ay nilinaw mo na rin sa akin na kaibigan lang ang turing mo sa'kin yet malapit na ako sa mga type mo. I gave you my letters nung hinatid kita sa airport yet may natira pa pala rito haha. Pagkaalis mo ay nawalan na rin naman tayo ng koneksyon sa isa't isa. Masakit pero syempre wala naman akong karapatan magreklamo dahil wala namang tayo at ako lang yung umasa.

I am a lawyer now, mayroon na rin akong sariling law firm and may sarili na rin akong bahay. Lahat ng pangarap ko naabot ko na maliban sa'yo. Ikaw, alam kong lahat ng pangarap mo ay naabot mo na rin. You became a succesful neurologist now diba? You have your own luxury car and mansion diba? I saw you last week with your wife and daughter. I'm happy na pati yung pangarap mong 'yon naabot mo na. Aaminin ko, mapait, masakit.

Fifteen years without any communication, fifteen years of waiting that you would come back, fifteen years at nagbabakasakali ako na kontakin mo ako at marealize mo na mahal mo pala ako, fifteen years na hindi ako nagmahal ng iba. Kasi ako? It's been fifteen years at ikaw pa rin ang mahal ko. Fifteen years akong umaasa but I guess it's time to let go.

Masaya akong makita kang masaya, masaya akong naabot mo lahat ng pangarap mo kasama ang mahal mo but sadly, hindi ako 'yon. Masaya na akong naging parte ng HS life mo. This will be the last 'dear, crush' na isusulat ko.

"Dear Crush, I want you to know that you're the best thing happened in my teenage years."

Was your admirer,
Alleine

Compilation of One Shots StoriesWhere stories live. Discover now