CHAPTER 1: Puro Inocencio University

2.7K 57 33
                                    

Chapter 1: Puro Inocencio University

Madaling madali ako sa pag-aayos ng sarili ko dahil male-late na ako. As always.

'Yan kasing si Tita eh, araw araw atang sinasabihan ng kuwarentang demonyo.

Alam namang maaga yung pasok ko, tapos uutusan akong,

'Andrea! Mag-saing ka don!'

'Pakainin mo muna yung aso't pusa bago ka pumasok!'

'Plantsahin mo nga muna yung uniform ni Mary Ann at nakalimutan niyang plantsahin kagabi!'

'Asan na yung pinapa-laba ko sa'yo?! Isusuot ko 'yon mamaya pag pumunta ako sa kumare ko!'

Langya, di ako na-inform na katulong na pala ako dito, hindi naman nila ako pinapa-sweldo.

Di niya utusan yung mga anak niyang batugan. Walang ginawa kundi mag-paganda at mag-inarte sa social media. Palakol naman yung mga grades.

Tinitiis ko nalang talagang tumira dito dahil wala na akong ibang tutuluyan. Sila nalang yung natitira kong pamilya na kakilala ko.

"Ate, yung baon ko?" maarteng tanong ng bunsong anak ni Marites.

Yep, Marites yung pangalan ng Tita ko.

"Nasa lamesa." walang gana kong sagot.

Inirapan pa niya ako bago siya tuliyang umalis.

"Dukutin ko mata mo eh, tanda mo na di ka pa marunong mag-ayos ng lalamunin mo." bulong ko nang maka-alis na siya.

Katorse palang kumekerengkeng na. Akala mo naman kinaganda niya yung lip tint niyang mabaho.

Kinuha ko na ang bag ko tsaka nag-madaling lumabas sa kwarto. Wala nang paa-paalam, layas na agad. Nababad trip ako pag nakikita ko yung pag-mumuka nila.

"Hoy Andrea! Ihatid mo si Marjorie!" rinig kong sigaw ni Marites.

Ayokong tawagin siyang Tita eh. I'm embarrassed to be related to them.

Agad naman akong huminto sa pag-lalakad tsaka ako lumingon sa bahay. Nasalubong ko si Marjorie na naka crossed arms pa.

"Ilang taon ka na nga? Fourteen? Kelan ka pa matututong pumasok sa school nang hindi inihahatid? Hindi ka naman sana PWD." iritang sabi ko sa kanya.

"Ma! Ayaw niya akong ihatid!" sigaw niya.

Bago pa lumabas dito si Tita, umirap nalang ako tsaka ko siya kinaladkad papunta sa sakayan ng tricycle. Nag-timpi nalang ako ng inis. Baka kung ano pang masabi ko.

Marunong mag-cutting, marunong gumala, marunong umarte, tapos hindi marunong pumasok sa school ng mag-isa.

Ano ka, si Marjorie? Yung pinsan ko?

Pag-dating namin sa school niya ay bumaba na siya sa tricycle at nag-dirediretsong pumasok sa school niya. Wala nang bayad bayad, kasi ako yung mag-babayad.

Galing no?

Sa simpleng public school lang silang mag-kapatid nag-aaral. Dati, dyan din ako nag-aaral.

Pina-diretso ko nalang ang tricycle sa school ko. Nag-bayad na ako tsaka bumaba sa tricycle.

Another normal boring day for me.

Puro Inocencio University, o mas kilala bilang PIU.

A University where 'Love life' isn't tolerated.

I know, I know, ang baduy ng pangalan. Ganyan din yung first impression ko noon sa pangalan ng school na 'to. But I've come to learn the meaning behind. And it's amazing.

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Where stories live. Discover now