CHAPTER 5: Mom And Hair

1.3K 55 16
                                    

Chapter 5: Mom And Hair

I woke up in a unfamiliar place. Nasan ako? Anong nangyari?

Umupo ako sa kama habang hawak ang ulo ko, medyo masakit parin yung ulo ko.

Simpleng maliit na kwarto lang ito. May single bed kung saan ako naka-higa. At may ilang gamit sa school sa paligid.

Napansin kong nalinis at nagamot na ang mga sugat ko sa tuhod.

Agad akong lumingon sa pinto nang marinig ko itong mag-bukas.

"Gising ka na pala."

What the--

"Sino ka?! Anong ginawa mo sakin?!"

Agad akong tumayo sa kama tsaka lumayo sa kanya. He's a boy! Lalaki! Nag-papanic nanaman ang buong pagkatao ko.

"Kumalma ka lang. Wala akong ginawa sa'yo. Niligtas pa nga kita eh." paliwang niya habang unti unting lumalapit sa akin.

"Wag mo kong lalapitan!" babala ko sa kanya.

Malay ko ba kung niloloko niya lang ako. Tinignan at kinapa ko ang buong katawan ko. Wala namang kulang. Wala namang masakit.

"Sigurado kang wala kang ginawa sakin?! Hindi ako mag-dadalawang isip na bugbugin ka!" banta ko pa ulit sa kanya.

Natawa nalang siya. "Wala nga akong ginawa sa'yo, promise. Basta nakita kita kanina nung pauwi ako, pinag-tutulungan ka nung tatlong lalaki kaya tinulungan kita. Nakipag-suntukan pa ko para sa'yo. Tapos nawalan ka ng malay. Hindi ko naman alam kung saan ka naka-tira kaya dito nalang muna kita dinala sa tinutuluyan ko. Baka mapano ka pa kung iwanan nalang kita basta sa kalsada." mahabang paliwanag niya.

He looks like a college student just like me. Luminga linga ako sa paligi. Naka-kita ako ng uniform na naka-sabit sa isang pader, uniform ng PIU.

Lumingon ulit ako sa kanya, naka-tingin lang siya sakin. Napansin ko namang may sugat siya sa gilid ng labi niya.

Medyo tumagilid naman ang ulo ko dahil sa pag-iisip.

Nakipag-suntukan nga talaga siya?

"Bakit mo ko tinulungan?" may pag-babanta parin sa tono ng boses ko.

"Babae ka eh, tsaka nakita kong hinampas ka nung isa sa ulo kaya tinulungan na kita. Hindi talaga dapat ako mangingielam dahil ayokong masali sa away niyo. Pero babae ka, lalaki ako, kailangan kitang tulungan." paliwanag niya ulit.

Kumunot ang noo ko.

Hinanap ng mata ko ang bag na dala ko kanina. Nang makita ko 'yon sa kama ay agad ko itong kinuha tsaka sinuot. Masama parin ang tingin ko sa kanya. Samantalang siya, naka-tayo lang habang naka-tingin sa akin.

"Saan ka ba naka-tira? Hatid na kita. Madilim na sa labas, delikado para sa'yo." sabi pa niya.

"Umalis ka dyan." sambit ko.

Nag-taka naman siya sa sinabi ko.

"Umalis ka dyan, lumabas ka. Lumayo ka sakin, bilis!" utos ko.

Nag-tataka siya pero sinunod nalang niya ko.

Kumuha pa muna ako ng ballpen sa bag ko tsaka ko ito hinawakan na parang mananaksak.

Dahan dahan akong nag-lakad palabas sa kwarto at tinutukan siya ng ballpen nang makasalubong ko siya.

"Wag mo kong lalapitan." banta ko sa kanya habang naka-tutok parin sa kanya ang ballpen na hawak ko.

"Wag mo kong susundan." sabi ko pa ulit.

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Where stories live. Discover now