CHAPTER 14: Scared

1.4K 49 41
                                    

Chapter 14: Scared

DAHAN DAHAN akong nag-lakad palapit sa kwarto nila Tita. Alas dies na ng gabi, alam kong gabi na pero gusto kong makausap si Tita tungkol sa isang bagay. Bukas na kasi ang alis nila papunta sa ibang bansa.

Bahagya akong kumatok sa pinto. "Tita? Si Aki po ito." pagpapa-alam ko.

Ilang segundo ang nag-tagal nang mag-bukas ang pinto, sumalubong sa akin si Tita na naka-pantulog na.

"Bakit? May kailangan ka ba?" tanong ni Tita.

Pinag-dikit ko ang dalawa kong kamay. "Uhmm, may gusto lang po sana akong itanong?" nag-aalinlangan kong sabi.

"Sige ano ba 'yon?" huminga pa muna ako ng malalim.

"Nabanggit po kasi sa akin ni Ken na sa Zamboanga po siya ipinanganak at medyo nag-tagal din po siya doon. Naisip ko lang po na what if subukan po naming mag-bakasyon doon kahit tatlong araw lang para naman po maranasan niya ulit yung buhay doon, yung buhay na malayo sa syudad." paliwanag ko.

Bahagyang tumango si Tita. "That's a great idea. Sige, papayagan ko kayong mag-stay doon ng tatlong araw. Tatawagan ko na ang caretaker ng bahay namin doon para mag-handa sa pag-dating niyo."

Agad naman akong ngumiti sa sinabi ni Tita. "Talaga po? Thank you po Tita!" hindi ko na napigilan ang satili kong yakapin si Tita.

Ngayon ko palang kasi mararanasang pumunta sa ibang lugar. Mula pagkabata, dito na ako sa maynila.

"No problem. Basta para sa inyo ni Ken. Aayusin ko na ang flight niyo sa isang araw kaya bukas na bukas, sabihan mo na si Ken, okay?"

I nodded. "Okay po Tita."

"Siya nga pala, bukas na ang alis namin ng Tito mo. Hindi namin sigurado kung kelan kami makakauwi pero susubukan naming maka-uwi agad as soon as possible. Ipapaalam agad namin sa inyo kung uuwi na kami o kung medyo matatagalan pa kami doon. Aki, malaki ang tiwala ko sa'yo. Ngayon lang kami mahihiwalay kay Ken, please take care of him. Wag mo siyang pababayaan, okay? Mag-iingat kayo palagi."

May bahid ng lungkot at pag-aalala sa boses ni Tita habang nag-sasalita siya. Nakaka-gaan lang sa pakiramdam na marinig na pinag-kakatiwalaan nila ako.

"Hindi ko po pababayaan si Ken. Salamat po sa pagtitiwala sakin Tita. Mag-iingat din po kayo doon." sagot ko.

"Oh sige, matulog ka na at gabi na. Ihahatid niyo pa kami bukas sa airport." nang sabihin iyon ni Tita ay hinaplos pa niya ang buhok ko.

I sighed. This is it, starting tomorrow I'll be with Ken, just the two of us. Sana lang masiyahan siya sa pag-punta namin sa Zamboanga.



MAAGA kaming nagising sa kadahilanang ihahatid namin sila Tita at Tito sa airport. Alas dose kasi ng tanghali ang flight nila.

Nandito na kami ngayon sa waiting area sa airport, nag-hihintay nalang sa pag-announce ng flight nila Tita.

"Magpakabait ka ah? Wag mong pasasakitin ang uli ni Aki habang wala kamo, okay? Enjoy your days as a normal guy in his 20's, you deserve to enjoy Ken, life is short." yun ang narinig kong sinabi ni Tita kay Ken.

Hindi man aminin ni Ken, nakikita ko sa itsura niya na nalulungkot siya. Ngayon lang siya mahihiwalay sa mga magulang niya. Parang nape-pressure tuloy ako dahil sa akin siya ibinilin.

"I'll miss you Ma, pati si Papa." mahinang sabi ni Ken.

"We'll miss you too anak. Babalik agad kami, okay? Be nice to Aki." tumango nalang si Ken.

Natahimik kaming lahat nang I-announce ang flight nila Tita. Tumayo na kami sa kinauupuan namin tsaka nag-paalam sa kanila.

"Alam mo na ang gagawin mo. Mag-iingat kayo dito. Marami kaming pasalubong sa inyo pag-dating namin!" masayang sabi ni Tita sa akin.

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Where stories live. Discover now