CHAPTER 21: Siblings

880 41 7
                                    

I can't dedicate a chapter because of some internet issues, kaya special mention nalang muna, hehe.

Hello lavSB19 dalawang update ngayon dahil nakaka-goodvibes ka po. 🥰 Thank you for reading and voting on my stories! Sana satisfied ka po sa mga stories ko at naaabot ko yung standards mo sa pag-susulat or takbo ng story. ❤

Enjoy reading!

Chapter 21: Siblings

Third Pearson's Point Of View

HINDI MAKATULOG si Aki dahil sa sobrang dami ng kanyang iniisip. She knew the consequences of her actions. Siguradong mag-aalala at hahanapin siya ni Ken at ng mga kaibigan pag nalaman nilang nawala ito sa bahay.

Hindi niya alam kung hanggang kailan siya mananatili sa puder ng ama. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanya pag naka-hanap na ang ama niya ng mapapangasawa niya.

Hindi man lang niya kilala ang mapapangasawa niya, papakasalan lang niya ito dahil sa kagustuhan ng ama na maka-kuha ng malaking pera mula sa pamilya ng pakakasalan niya.

She's a total mess. Sinira niya si Ken, sinaktan niya si Ken. Galit na galit siya sa sarili niya. Hindi niya alam kung may muka pa siyang maihaharap pagkatapos ng lahat ng ito.

Kasabay ng pag-pikit niya ay ang pag-tulo ng luha sa kaliwa niyang mata. Wala siyang ibang maisip kundi ang kasintahan, siguradong masasaktan ito ng sobra.

Alam kong nakakasawa na yung salitang 'sorry' pero wala na akong ibang masasabi kundi 'yon. Sinisisi niya ang sarili niya sa mga pangyayari. Kung nag-ingat lang sana siya. Kung hindi sana siya naging mahina, malamang ay kasama pa niya ngayon ang kasintahan.

I'm really sorry my baby. Sising sisi siya. Wala naman siyang ibang magagawa dahil bantay sarado siya ng ama niya.

Dahil na rin sa pagod ay naka-tulog siya. Kinabukasan ay nagising siyang naka-higa parin sa kama. Nandoon parin siya, nasa bahay parin siya ng ama.

Hinihiling niya na sana panaginip nalang ang lahat. Na pag-gising niya ay nasa tabi niya si Ken habang mahimbing na natutulog.

Ngunit hindi, kailangan niyang harapin ang problema niya.

Bumangon siya sa kama tsaka inayos ang sarili. Dumiretso siya sa banyo para maligo. Pagkatapos ng ilang minutong pag-bababad sa tubig ay lumabas na siya tsaka nag-bihis.

Kasalukuyan siyang nag-susuklay nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya.

Nang bumukas ito ay iniluwa nito ang isang pamilyar na muka, agad namang sumama ang tingin niya dito.

"Pinapatawag na po kayo ni Sir Andre para kumain ng agahan." bungad nito.

Bumalik nalang siya sa pag-susuklay na para bang walang narinig.

"Kailangan niyo pong sumabay sa agahan dahil magagalit si Sir kung hindi." sambit muli ng lalaking tinawag noon na Kirby ng ama niya.

Edi magalit siya. Bulong niya sa isip niya.

Matapos niyang mag-suklay ay tinignan niya ang sarili niya sa salamin. Nakita niya sa repleksyon na hindi parin umaalis si Kirby sa pinto niya.

Mariin siyang pumikit at ikinuyom ang mga palad. Hindi talaga nila ako tatantanan. At dahil ayaw na niyang mag-kagulo pa, padabog siyang lumabas sa kwarto niya, nilagpasan lang niya si Kirby tsaka dumiretso sa kusina.

Nandoon ang ama niya at ang isang babae na sa tingin niya ay asawa nito. Siya siguro yung tunay niyang asawa. Sambit pa niya sa isip niya. Mas lalo tuloy nag-init ang ulo niya.

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Where stories live. Discover now