CHAPTER 24: Stuck In Between

1.2K 38 6
                                    

Chapter 24: Stuck In Between

Third Person's Point of View

KEN'S MIND isn't functioning well at the moment. Gulong gulo na siya dahil sa mga pinag-sasasabi ng dalaga. Gulong gulo na siya sa mga pangyayari.

She's pregnant? She came back because she found out that she's pregnant? Paano kaya kung hindi nito nalamang buntis siya, malamang ay hindi ito babalik at mag-papakita sa kanya na gaya ng ginawa nito ngayon.

"I don't know what to say anymore. Please, just, leave me alone. I need to think things through." mahina niyang sabi bago tuluyang tumalikod at mag-lakad nang mabilis paalis.

He can't talk to Aki at the moment. Masyadong nanariwa ang sakit na nararamdaman niya.

"Ken sandali!" tawag sa kanya ng dalaga.

Alam niyang sinusundan siya ng dalaga ngunit wala siyang balak na lingunin ito.

"Ken!"

Naririnig niya ang yabag ng pag-takbo ng dalaga. Pinipigilan lang niya ang sariling lumuha sa harap nito.

"Ken."

Mahina ang pag-kakasabi ng dalaga at huminto na rin ang mabilis nitong mga pag-yabag. Ngunit para bang nawalan nalang siya ng pakialam dito.

"Ken..." she sounds in pain.

Nang marinig niyang ganon ang boses ng dalaga ay kusa nalang siyang napa-bagal sa pag-lalakad.

"No... K-Ken, yung a-anak nat-tin."

He stopped walking and froze like a statue when he heard what she said. 'Yung anak natin.'

Dahan dahan niyang nilingon ang dalaga. Para bang nadurog ang puso niya nang makita ito. She looks struggling. Naka-upo ito sa sahig at sapo ang tiyan.

His eyes widened when he saw that red liquid on her legs. Napuno ng pag-aalala ang buong katauhan niya.

"K-Ken, our b-baby. Please, h-help..." kahit mahina ang pag-kakasabi ng dalaga ay rinig parin niya ito.

Pinag-pawisan na siya. Hindi niya alam kung anong gagawin!

"T-Tulong... Yung a-anak ko.."

He felt his heart tightened whe he heard her ask for help. "Aki..." bulong niya na may halong pag-aalala.

Mariin siyang pumikit at ikinuyom ang mga kamay bago tuluyang tumakbo palapit sa dalaga.

Hindi na niya naabutan pang gising ang dalaga dahil nang tuluyan siyang makalapit dito ay nawalan na ito ng malay.

"Aki, no. Wake up." inunan niya ang dalaga sa braso nkya at mariin niya itong tinignan.

Her eyes were surrounded by eyebags. She's pale and there are bruises on her neck. Ano ba talagang nangyari sa'yo?

Binuhat nalang niya ang dalaga tsaka dali-daling nag-lakad patungo sa hagdanan. She's in danger, he feels it.

Why is there a blood on her legs? He doesn't have a clue on what is happening to her.

"Manang, paki-bukas po yung gate. Please, paki-bilisan po." bungad niya sa matanda na tila ba gulat din nang makita ang dalagang buhat niya.

"Naku! Anong nangyari?!" kahit natataranta ang matanda ay sinunod parin nito ang pakiusap niya.

Dumiretso siya sa kotse niya at isinakay ang walang malay na dalaga sa passenger's seat. Agad siyang tumakbo papunta sa driver's seat at pina-andar ang kotse.

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Where stories live. Discover now