CHAPTER 22: Changed

956 34 23
                                    

Chapter 22: Changed

Third Person's Point of View

Halos mag-iisang buwan na ang nakalipas ngunit wala paring nahahanap na mapapangasawa ang ama ni Aki. Halos isang buwan na din itong naninirahan sa pamamahay ng ama niya.

Nag-tangka siyang tumakas, dalawang araw mula nang pumunta siya dito, ngunit hindi siya nag-tagumpay. Nahuli siya ng sekretarya ng ama niya na si Kirby. At nang nalaman ito ng ama niya ay binugbog siya nito.

Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari kay Ken, wala na siyang balita dito simula noong umalis siya nang walang paalam.

Naka-higa lamang siya sa kama niya habang naka-tingin sa kisame. Namamayat at nanghihina na siya dahil hindi siya kumakain, dahil wala siyang ganang kumain. Hindi rin siya maka-tulog nang maayos tuwing gabi kaya nangingitim na ang ibaba ng mata niya.

She looks unwell. She looks sick.

Hindi siya gumalaw kahit na narinig niya ang pag-bukas at pag-sara ng pinto ng kwarto niya. Nakita nalang niya ang ama niyang palapit sa kanya habang may hawak na baril at tila ba galit na galit.

Lumapit sa kanya ang ama niya tsaka siya hinawakan nang mahigpit sa leeg at tinutukan ng baril. Dahil naka-higa siya ay nahihirapan siyang maka-hinga.

"Anong pinaplano niyo ni Andrei? Ha?! May binabalak ba kayo?!" galit na sigaw sa kanya ng ama.

Ganito parati ang natatamo niya tuwing pinupuntahan siya ng kapatid sa kwarto niya para kamustahin. Binubugbog siya ng ama niya, kagaya ng ginawa nito sa ina niya noon. Iniisip kasi ng ama niya na may plano sila para maka-takas siya.

Well, King is planning something but it's not yet done, at hindi pa nila iyon napag-uusapan ni King.

Dahil nahihirapan siyang huminga ay hindi siya makapag-salita.

Binitawan siya ng ama niya ngunit naka-tutok parin sa kanya ang baril na hawak nito.

"That kid... Hindi rin ako mag-dadalawang isip na gamitin sa kanya 'to." galit na sambit ng ama niya.

Gamit ang natitira niyang lakas ay bumangon siya habang hawak parin ang leeg niya.

"Walang kinalaman si King dito! Ginawa ko na nga yung gusto mo! Wag ka nang mandamay ng ibang tao!" sigaw niya.

Nilapitan muli siya ng ama tsaka hinawakan ang panga niya. "Wala kang pakialam kung sino ang gusto kong idamay o hindi." pagkasabi ng ama niya non ay tinulak siya nito sa kama.

Naluha nalang siya dahil sa galit. Pabagsak na isinara ng ama niya ang pinto nang lumabas na ito.

Hinayaan nalang niya ang sariling lumuha habang yakap ang sarili. Puro sugat at pasa na ang katawan niya dahil sa ama. Pero iba siya, hindi niya hahayaang manghina, lalaban siya.

Nanatili siya sa ganong pwesto hanggang sa dahan dahan nalang siyang maka-tulog.

Pag-kagising niya ay nararamdaman niya na may humahaplos sa buhok niya.

Ken... Yun ang sinasabi ng isip niya.

Ngunit bigo siya nang buksan niya ang mga mata niya, it's King.

"Nananaginip ka. Kanina mo pa tinatawag yung pangalan ni Ken." bungad ng kapatid niya nang mag-tama ang paningin nila.

Sa halos isang buwan niyang paninirahan dito, si King ang lagi niyang sandalan at kausap. Lagi siya nitong dinadamayan tuwing umiiyak siya. Lagi siya nitong kinakausap kung may bumabagabag sa isip niya.

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Where stories live. Discover now