CHAPTER 11: Proven

1.2K 58 9
                                    

Chapter 11: Proven

Nang maka-hinga na ako ng maayos ay lumabas na din ako sa restroom. Malapit lang ang table namin ni Ken sa restroom kaya tanaw ko siya sa di kalayuan.

Tahimik lang siyang naka-upo sa silya niya habang tila malalim ang iniisip. Naka-sandal siya at bahagyang naka-yuko ang ulo.

Nakaramdam nalang ako ng hiya nang malapit na ako sa kanya. Why do I feel like I did something wrong? I can sense it.

Dahan dahan akong na-upo sa karap niya, hindi man lang siya gumalaw sa pwesto niya na para bang hindi niya ako napansin. I don't like the atmosphere between us.

"Uhmm, Ken--"

"Inaantok na ko, uuwi na ko, nag-text na ako kay Kuya, nandyan na daw siya. Sasabihin ko nalang na sunduin ka pag nag-text ka."

His voice were deep and cold. Wala man lang akong naramdamang emosyon sa tono ng boses niya.

Tumayo siya at tinalikuran ako nang hindi man lang tumitingin sa akin.

Yep, I did something wrong.

Agad akong tumayo at pinigilan siya sa pamamagitan ng pag-hawak sa braso niya.

"Ken sandali, akala ko ba we got each other's back?" sambit ko.

Huminto siya pero hindi parin niya ako nilingon. Hinawakan niya ang kamay kong naka-hawak sa braso niya tsaka iyon dahan dahang inalis sa braso niya.

I suddenly felt pain on my chest.

"Oo nga, akala ko din eh. We got each other's back pero iniwan mo lang ako doon mag-isa. Don't mind me, uuwi nalang ako." I can sense pain on his voice, lalo na nung sinabi niyang iniwan ko siya.

Hahakbang na muli sana siya nang hawakan ko ulit ang braso niya kaya huminto muli siya.

"I'm sorry, Ken. I didn't mean to, nabigla lang kasi ako." paliwanag ko.

Kagaya kanina, inalis niya muli ang kamay kong naka-hawak sa braso niya.

"Okay." yun nalang ang narinig kong sagot niya bago siya ulit mag-lakad palayo.

His cold voice were suffocating me. I don't like it. Hindi ko gusto yung ganong pakikitungo niya sakin.

Sumunod nalang din ako sa kanya pero malaki ang distansya namin sa isa't isa. Nang makarating na kami sa labas ng venue ay nahagip agad ng mata ko ang kotse ni Kuya Driver.

Dumiretso na si Ken sa pwesto niya kanina nung hinatid kami ni Kuya, sa pwesto niya lagi, sa left side.

Binuksan niya ang pinto tsaka dumiretso sa loob at agad iyong isinara. Nag-buntong hininga nalang ako bago buksan ang pinto kung saan ako naka-harap tsaka ako sumakay.

Ipinag-sisiksikan niya ang sarili niya sa gilid habang naka-tingin sa bintana.

Naguiguilty ako. Para bang may sumasaksak sa puso ko na makita siyang ganito. Cold, expressionless. Hindi siya mag-kakaganito kung hindi ko siya iniwang mag-isa kanina. Kasalanan ko 'to.

Tahimik lang kami pareho hanggang sa maka-rating kami sa bahay. Bumaba agad si Ken sa kotse tsaka tuluyang pumasok sa bahay.

Ipinikit ko nalang ang mata ko dahil sa pagka-guilty. Pumasok nalang din ako sa loob. Sandali pa akong huminto sa sala para isipin ang mga ginawa ko kanina. It's his first and last graduation ball to experience tapos ganito pa ang nangyari, hindi man lang namin 'yon natapos. I'm not thinking straight. Bakit ko ba kasi ginawa 'yon?

Huminga nalang ako nang malalim bago mabagal na umakyat sa hagdan. Halos ilang baitang din ito kaya nag-tagal ako sa pag-akyat.

Bahagya akong naka-yuko habang mabagal na nag-lalakad sa hallway nang may mapansin akong paparating. Agad akong nag-taas ng ulo at nakasalubong ko si Tita na tila ba nag-aalala.

Innocent •SB19 KEN• [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora