Epilogue

183 6 15
                                    

VANCE.

"ONE OF our mission is to bring the Vipers to Commander Atalia, right?" I broke the silence that conquered us after Ryde knocked down the Viper.

Instead of answering to confirm, Ryde gave me a blank stares. He looked for a comfortable spot from the elevated portion in the room. He slowly sat as he was badly hurt. The rest of us plastered a puzzled look as we glanced to each other. I decided to step forward and they followed me. As soon as I reached Ryde, I saw how devastated he was. He put back his hand to his wounded arm to give pressure to it. Heavily breathing, he can't say a word after realizing we made it.

"She led a syndicate, Ryde," I spoke one more time. "The victims deserve the justice."

Ryde looked up at my direction and he met my gaze. "I know," he said, "Anátha must rot in prison."

My brows furrowed of what I heard. I walked back closer to the Viper to check her pulse. She's still alive!

"I—I thought you killed her?" I asked Ryde as I turned my gaze at him.

"I could have done that for a hundred times but I won't." Ryde paused. "I don't wanna be like her."

Hindi ko pa alam ang buong kwento ng nakaraan ni Ryde. Kung paano nga ba siya pinalaki ng nag-ampon sa kanya. Hindi ako sigurado kung paano inabuso ang pagkatao niya para lang maging isa siyang ganap na assassin.

Napabaling ang tingin ni Ryde sa gawing kaliwa niya nang lumapit sa kanya si Verity. Mabilis nitong inalis ang suot na vest sa katawan, saka buong pwersang pinunit ang ibabang bahagi ng puting tank top na suot. Matapos makakuha ng sapat na tela, ibinenda niya iyon sa sugat ni Ryde. Tanging mga titig na hindi ko malaman kung lungkot o kahihiyan, ang maibigay niya sa babaeng kaharap. Gano'n naman ang makabuluhang sulyap ang pinagpalitan namin nina Colt at ng magkapatid.

Nakita ko pang umawang ang pagitan ng labi ni Ryde pero napayuko lang siya at hindi naituloy ang nais na sabihin.

"We need to move now," saad ni Verity matapos maayos ang pagkakatali sa sugat ni Ryde.

Inalalayan niya si Ryde na makatayo nang maayos saka kami hinarap.

"There are still two Vipers left up there," dagdag pa ni niya na naging dahilan ng pagbago ng ekspresiyon namin.

"May pa-moment na kayo riyan ni Harrison, may tsutsugiin pa pala tayo sa taas?" inis na bwelta ni Jake.

"Sinabi ko 'yon sa inyo. You should have paid your attention on the information I've gave you," pabalang na tugon ni Verity.

Teka lang. Kung may dalawa pang Vipers ang natira. . . bakit wala sila rito? Bakit hinayaan nilang tanging isang Cracken ang kasama ng pinaka leader nila?

"You're misinformed, Locke," biglang sumabat si Colt sa kanang gawi ko.

Gano'n na lang ang pagkurba ng kaliwang kilay ko sa sinabi niya.

Misinformed?

"Technically, Vipers are set to get completed by three people."

"What do you mean, they are set to get completed?" hindi ko na naiwasan pang magtanong.

Nag-umpisang humakbang paakyat sa maliit na entablado si Colt.

Criminals Like UsWhere stories live. Discover now