Untitled Part 4

2.2K 76 2
                                    


GABI. Dumating ang kanyang lolo at lola. Ang mga magulang ng kanyang ama ay matagal nang patay at hindi na niya nakilala pa. Sina Lola Caring at Lola Julian lamang ang nakilala niya.

Inayos ng dalawang matanda ang burol ng kanyang mga magulang. Bago maghatinggabi ay nakalagak na ang mga ito sa isang funeral parlor.

Gising pa rin siya nang bumalik ang matatanda sa kanilang bahay, at dinig niya ang sinabi ni Lola Caring kay Yaya Malou. Sina Tito Arnold na lang muna raw ang magbabantay sa punerarya, at ang mga ito ay magpapahinga muna. Ngunit hindi sa guest room tumuloy si Lola Caring, kundi sa silid niya.

"Fernie, anak..." anito, at hinagod ang likod niya. "Gusto mo bang mag-usap tayo? Alam kong gising ka pa."

Kumilos lang siya ngunit hindi nagsalita. Ayaw niyang magsalita kahit kanino. Ayaw rin niyang makakita ng kahit na sinong tao.

"Gusto mo bang samahan kitang matulog dito, apo?" tanong pa ni Lola Caring.

Umiling siya hanggang sumuko na ang matanda at iniwan siya.

Nang matiyak niyang tulog na ang dalawang matanda at si Yaya Malou ay lumipat siya sa silid ng kanyang mga magulang. She could see them and feel them. Namaluktot siya sa malaking kama.

Sampung taong gulang na siya. Alam na niya ang ibig sabihin kapag namatay na ang isang tao. Hindi na iyon babalik kahit kailan. Wala na siyang magulang. Ulila na siya. Hindi na siya kaparis ng mga kaklase niya. Iba na siya, at ayaw na niyang magpakita sa kahit na sinong kaklase.

Sa kama ng mga magulang niya pinakawalan ang mga luha. Umiyak siya nang umiyak, tinatawag ang mga magulang, ngunit parang hindi niya kaya ang sakit na nararamdaman.

Sa bawat sambit niya ng "Mommy" at "Daddy," isisigaw naman ng isip niya ang katotohanang hindi na babalik ang mga ito kahit kailanman. Wala nang saysay ang pagtawag niya sa mga ito, but she kept calling their names, at hindi niya mapigil ang panginginig ng buong katawan.

Gusto niyang sumigaw sa Diyos at itanong kung bakit kailangang mangyari sa kanya iyon, ngunit sa gulang na sampu, alam na rin niyang walang saysay ang tanong na "bakit?" dahil wala namang sagot doon.

Ang iniiyakan niya ay ang bagay na wala na siyang magagawa. Kung sana ay kaya niyang iligtas ang mga magulang, gagawin niya ang lahat. Kaso ay hindi siya binigyan ng pagkakataon.

sweet periwinkleOn viuen les histories. Descobreix ara