Untitled Part 20

1.9K 79 1
                                    


NANG matapos silang kumain ay pinahipan sa kanya ni Buddy ang kandila. "Make a wish, Fernie," anito.

She made a wish. Una ay tuluyan na sanang lumakas si Lolo Julian, pangalawa ay mahalin din siya ni Buddy kaparis ng pagmamahal niya rito.

Lumabas si Desiree ng komedor at pagbalik nito ay may dalang regalo.

"Happy birthday, Fernie. Espesyal 'yan dahil ikaw ang favorite cousin ko. Ikaw lang kasi ang hindi umaaway sa akin." Alam niyang maraming nang-iintriga at naiinggit kay Desiree at dahil nga maganda ito ay laging may kagalit. At nakokonsiyensiya pa siya dahil walang kamalay-malay ang kanyang pinsan na inilagay niya ito sa alanganin.

Nangako naman si Buddy na hindi nito susumbatan si Desiree at hindi sasabihin dito na alam na nito ang lahat tungkol kay Periwinkle, ngunit nagi-guilty pa rin siya.

Inabot niya ang regalo ni Desiree at sinira ang wrapper. Isang T-shirt na may logo ng rock band ang laman.

"Thanks," aniya at hinagkan sa pisngi ang pinsan.

"Si Buddy ang pumili niyan. Sabay kasi kaming bumili ng gift," wika ni Desiree at napatanga siya.

Magkasamang bumili ng regalo ang dalawa? Sa kahon ay nalaman niya kung saan binili ang regalo. Nagpunta sa mall ang dalawa na hindi niya nalalaman!

Ano pa ang ginawa ng mga iyon sa mall? Nanood ng sine? Paano kung dahil sa kagagawan niya ay ma-develop ang damdamin ni Buddy kay Desiree? Para na rin niyang ipinamigay ang kaisa-isang lalaking minamahal.

"Buksan mo naman ang gift ko," wika ni Buddy. Mabilis niyang binuksan iyon. Handbag at mukhang mamahalin. Malambot ang leather. "Dahil dalagang-dalaga ka na, itapon mo na ang backpack mo," biro pa ng lalaki.

"Salamat." Pero puwede ba sa jeans ang ganoong klaseng handbag? Para na ring sinabi ni Buddy na magbestida naman siya.

Lumapit sa kanya si Desiree at bumulong. "Lilipat tayo kina Buddy mamaya, mas maganda ang celebration doon, tayo lang tatlo."

Sumulyap siya kay Buddy. Nakangiti lang ito.

sweet periwinkleWhere stories live. Discover now