Untitled Part 12

2K 87 14
                                    


NAPALUNOK si Buddy nang masilip sa sliding glass door ang pigura ni Fernie. Kailan pa natutong mag-bathing suit ang kaibigan niya? At may korte pala ang katawan ni Fernie. Five-two lang ang taas ng dalagita, ngunit mukhang matangkad dahil long-legged.

Hindi tuloy malaman ni Buddy kung dapat din siyang lumusong sa pool. Hindi naman niya maintindihan ang sarili kung bakit para siyang tinutubuan ng malisya.

She's only sixteen! his mind screamed.

At hindi na naman bago sa kanya ang makakita ng mga babaing naka-swimsuit, pero parang hindi talaga niya kayang lapitan si Fernie.

Pero naisip niyang baka naman magtampo kung hindi niya pupuntahan. Lumabas rin si Buddy at naupo sa garden set.

"Hindi ka maliligo?" tawag ni Fernie.

"Ikaw na lang, baka mapasma ako," alibi niya, at binuksan ang librong hawak, ngunit ang sulok ng mga mata ay nakamasid kay Fernie. He couldn't help staring at her legs.

Pinilit nitong mag-concentrate sa librong binabasa, ngunit nakakaisang pahina pa lamang ay naistorbo na ito sa pagtili ni Fernie. Napalundag sa kinauupuan si Buddy. Hindi gaanong marunong lumangoy ang dalagita.

"Buddy! Tulungan mo ako!" tili niya, nakataas ang dalawang kamay.

Walang-salitang lumundag sa tubig si Buddy at nilangoy siya, nangunyapit naman kaagad siya sa lalaki.

"Pinulikat ako, Buddy... ang sakit..." daing niya.

Kung hindi lamang masyadong concerned sa kanya ang lalaki, baka nakahalata nang umaarte lang siya.

Dinala siya ng lalaki sa gilid ng pool, at sinimulang hilutin ang paa niya. Wala siyang ideya kung paano ang pakiramdam ng pinupulikat, basta ang nakikita lang niya sa iba ay namimilipit sa sakit at hawak ang binti.

Hinawakan niya ang kanyang binti. "Ang sakit..."

Tinulungan siya ni Buddy na maupo sa poolside. Hindi rin nito alam ang gagawin, kaya sige lamang ang paghilot sa binti niya.

"Masakit pa?" tanong nito.

Tumango siya at itinaas pa ang isang hita, para lalong maging convincing. Nakalimutan na naka-swimsuit siya.

Si Buddy ay nakalubog pa sa pool, at napamulagat naman nang bigla niyang itaas ang pinupulikat na binti kuno. Matapos panlakihan ng mga mata ay napapikit naman si Buddy, sabay hila sa kanyang binti.

"Ibaba mo nga 'yan!" anito at umahon.

Kinabahan pa si Fernie. Baka nakahalata na si Buddy at nainis sa kanya.

"Hindi na masakit, Buddy, nawala na," aniya, kunwari ay hinihingal pa.

"Good. Umahon ka na riyan, at baka sipunin ka." Dinampot ni Buddy ang tuwalya sa damuhan at ibinalot iyon sa kanya. "Magpalit ka na sa loob, 'tapos ay magmeryenda tayo."

Nakahinga nang maluwag si Fernie. Hindi naman pala kasi siya nabuking ni Buddy. Nag-alala lang siguro kaya bigla siyang pinagtaasan ng boses.

SAMANTALA ay pinagmamasdan siya ni Buddy hanggang papasok siya sa loob.

May lahing bumbay pa ang lukaret! anang isip nito at napangisi.

Shut up, Buddy! Ito rin ang sumaway sa sarili, sa isip ay kailangang mag-ingat na ito sa pakikitungo kay Fernie dahil hindi na nga siya batang paslit.

Ayaw na nitong maulit ang nangyari sa pool, ang makakita ito nang hindi dapat makita.

But there was no denying that the young man inside him was thrilled. Napailing ito, sabay kamot sa ulo.

sweet periwinkleWhere stories live. Discover now