Untitled Part 24

2.2K 88 8
                                    


NAKAYAKAP pa rin sa kanya si Buddy kahit tulog na tulog na ito. Hindi kaagad siya makakilos sa takot na magising ang lalaki, ngunit hindi naman siya puwedeng abutan ng umaga sa silid na iyon.

Naririnig na niya ang pagtilaok ng mga manok.

Marahan siyang bumangon at nagbihis. Nang matiyak na wala na siyang naiwan ay maingat siyang lumabas ng silid. Itinaas ulit ang main switch ng ilaw at bumalik sa guest room.

"Saan ka nanggaling, Fernie?" usisa sa kanya ni Desiree. "Ang sakit ng ulo ko," angal pa nito.

Masakit din ang katawan niya, but it was a delicious pain. There was an odd feeling of something missing between her legs, at napangiti siya.

Wala siyang pagsisisihan sa nangyari. It was a most wonderful experience, the memory would serve her for the rest of her life.

Naupo siya sa kama. "Bumangon ka na riyan at ayusin ang sarili mo. Baka mahalata ni Tiya Luz na naglasing ka, umuwi ka na," aniya sa pinsan.

"Ikaw?" ani Desiree na kahit naman pilya ay may natitira pa ring takot sa magulang.

"Susunod ako, at saka umuwi na ako sa bahay, binalikan lang kita."

Tinulungan niyang ayusin ni Desiree ang sarili at inihatid pa sa gate. Bumalik siya sa guest room at doon naghintay ng umaga.

Nakatulog marahil siya sapagka't nagising siya sa tawag ni Buddy.

Idinilat niya ang mga mata. "Buddy..." aniya at naalala ang nakaraang gabi.

"Si Desiree?" tanong nito.

"Umalis na siguro... o baka naman nasa banyo..." aniya.

"Wala roon. Hinanap ko na," wika ni Buddy na naguguluhan pa rin sa nangyari.

He made love to a woman last night at hindi ito makatiyak kung sino sa dalawa kina Fernie at Desiree ang babae.

"Naku, uuwi na rin ako," aniya at mabilis na bumangon.

"Fernie..." habol nito.

Malinaw na malinaw sa isipan nito ang babaing inangkin, and his very senses were screaming Fernie's name. But logic wouldn't agree with him. Wala sa itsura ni Fernie na basta na lang papasok sa silid ng lalaki.

"Baka hinahanap na 'ko ni Lola..." aniya. "Bakit ba umalis kaagad si Desiree?" tanong pa niya na ang gusto lamang mangyari ay ang isipin ni Buddy na si Desiree ang babaing pumasok sa silid nito, ang katunayan ay ang biglang pag-alis ng kanyang pinsan.

Hindi na siya pinigil ni Buddy, nakatitig lamang ito sa kanya, wondering why she felt different.

Nakalabas na ng gate si Fernie nang bumalik sa kanyang silid si Buddy. Naroroon pa sa bedsheet ang bakas ng nangyari kagabi. Hinila niya iyon sa kama at tinitigan ang may mantsang bahagi. Napabuntong-hiningang inihagis sa laundry basket ang bedsheet. Hinila rin niya ang kumot at ipinagpag, at saka natigilan.

sweet periwinkleWhere stories live. Discover now