Untitled Part 37

4.6K 206 52
                                    


SA HARAP ng puntod ni Desiree siya humantong, at sa pamamagitan ng mga kamay ay dinukal ang lupang nakapaligid doon. Matiyaga niyang itinanim doon ang mga periwinkles.

"Hindi kita makakalimutan kahit kailan, Des. Minsan, nagseselos ako sa iyo dahil kay Buddy, pero mahal naman talaga kita. Ikaw lang ang kalaro ko mula noon hanggang ngayon, Des."

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakaupo sa harap ng puntod. Naramdaman na lang niya na may nakaupo sa tabi niya.

"Iniwan na tayo ni Kiriray," wika ni Buddy. She smiled bitterly and nodded. "Pero totoo na siyang tahimik ngayon. And I'll miss her," anito.

"I'll miss her, too," aniya.

Bumuntong-hininga si Buddy. "Masakit talaga, pero kailangan nating tanggapin. Kailangan nating ituloy ang buhay rito sa lupa, tayo ay nakikipagsapalaran pa, at kung tutuusin ay nakakainggit siya. She's at peace now. Hindi na siya matatakot, hindi na masasaktan." He placed an arm around her shoulders.

"Ano'ng balak mo ngayon, Buddy? Babalik ka ba sa States?" tanong niya.

Wala na ang binalikan ni Buddy, wala nang rason para manatili pa ito sa kanila. Mas makakalimot kaagad ito kung nasa ibang bansa.

"May sasabihin ako sa iyo, Fernie," wika nito. Haggard ito dahil sa pagpupuyat at lungkot, nagkaroon din ng rashes ang pisngi at leeg, but for her, he was good-looking as ever. "Tungkol kay Periwinkle," anito.

"What about her?" she asked, kinakabahan.

"I love her and I want to marry her. Kaya nga ako bumalik, 'di ba?" ani Buddy.

"But she's gone. Wala na ang binalikan mo," aniya.

Bahagyang tumawa si Buddy. "Hanggang ngayon pa ba naman ay ipapahamak mo pa si Des? Sige ka, baka bumangon 'yan at sabunutan ka," anito sabay sulyap sa puntod. "Alam ko na po ang totoo, Fernanda. Hindi ka na puwedeng magkaila at nasa harap tayo ng puntod ni Desiree."

Ramdam niyang nag-iinit ang magkabila niyang pisngi at hindi siya makatingin kay Buddy.

"Paano mo nalaman?" tanong niya, hiyang-hiya pa rin.

"You left your earring on my bed that night," anang lalaki at dinukot mula sa bulsa ng pantalon ang isang hikaw na perlas. Ipinakita iyon sa kanya. "Matagal mo na sigurong hinahanap ito," biro pa nito.

Kinuha niya ang hikaw, ngunit hindi pa rin tumitingin kay Buddy.

"At saka hindi naman ako tanga. Kahit madilim na madilim, alam ko na ikaw 'yon. Hindi lang ako makapaniwala, pero alam ko talaga..." paniniyak ni Buddy. "Will you be my wife, Fernie?" tanong pa nito at iniangat ang mukha niya.

"Hindi mo ako pinagtawanan nang malaman mo ang totoo?" tanong niya.

"Tumawa ako nang tumawa. Lumundag pa ako sa tuwa. Dahil mahal pala kita. Hindi ko lang alam dahil araw-araw kitang nakikita, hindi na kita kailangang hanapin. Just like these periwinkles, nagbibigay ng kulay sa paligid pero hindi napapansin. Pero kung pipitasin ko siguro lahat ng bulaklak na ganito sa daan, mapapansin ng mga tao na parang may kulang sa paligid."

She smiled. "Bakit ngayon ka lang bumalik?"

"Dahil gusto kong makaipon kaagad, mas malaki naman ang suweldo roon pero kamuntik na akong hindi matuloy sa pag-alis noon dahil sa kagagawan mo," anang lalaki.

"Kagagawan ko?" patay-malisya niyang tanong.

"Yes, sweetheart. Naghintay muna ako ng tatlong buwan para matiyak na hindi ka magbubuntis, ayoko namang iwan ka kung nagkataon."

Nanlaki ang mga mata ni Fernie. "Hindi totoong nagkaproblema sa embassy?"

Umiling si Buddy. "You still love me?" he asked.

"Very much," aniya.

He held her for such a long time.

Mayamaya ay binitiwan siya nito. "Bago ko makalimutan—" May dinukot na naman ito sa bulsa. "Baka nagtatampo ka na hanggang ngayon, eh, hindi ko pa ibinibigay ang pasalubong mo," anito. Isang maliit na kahita ang inilabas, at binuksan iyon.

A diamond-solitaire ring. Hindi na niya kailangan pang sabihin ang kagalakan, kitang-kita iyon sa mukha niya. Kinuha iyon ni Buddy sa kahon at isinuot sa daliri niya.

"Because my love is forever," anang lalaki. It was a cliché, but he never thought that saying those words could feel wonderful. He meant every word.

She just looked into his eyes.

I belong to you.

You belong to me.

Mga puso nila ang nag-uusap.

NAGPAKASAL sila noong February at kasalukuyang nagdadalang-tao si Fernie. Ang hiling nila ay sana maging babae ang kanilang panganay at tatawagin nilang Desiree.

Habang namumukadkad ang mga periwinkles sa bawat gilid ng kalsada, hindi rin maglalaho ang kanilang pagmamahalan.

Silang dalawa ay parang periwinkles sa mundong ito, nagdaragdag ng kulay sa buhay ng marami nang dahil sa kanilang pag-ibig.

And they were ordinary people, we hardly notice them.

•••wakas•••

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 02, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

sweet periwinkleWhere stories live. Discover now