Untitled Part 17

1.9K 75 1
                                    


"YES?" tinig ni Fernie.

Biglang parang nabarahan ang lalamunan ni Buddy, "F-Fernie... listen, I need to talk to you..." anito.

Si Fernie man ay kakaiba rin ang kaba. Nahawakan niya nang mahigpit ang telepono. "T-tungkol saan?" tanong niya.

"Susunduin kita riyan ngayon," ani Buddy at nag-hang up.

JEANS at T-shirt ang suot niya, naka-ponytail pa rin ang buhok.

"May problema ba?" tanong niya pagkasakay sa kotse.

Hindi nagsalita si Buddy. Hindi nito alam kung paano mag-uumpisa. He prayed that he was mistaken. Hindi nito maipaliwanang ang nararamdaman. He started the engine.

"Alam mo ba kung ano ang periwinkle, Fernie?" tanong ni Buddy. Wala itong ideya kung saan siya dadalhin. He would just drive and drive, bahala na kung saan sila makarating.

Hindi naman agad nakasagot si Fernie. Sasabihin ba niya kung ano ang periwinkle? Would it give her away? At bakit biglang-bigla ay nagtanong ng ganoon si Buddy?

"Alam mo ba?" ulit ni Buddy. Sa nakikita nitong reaction ni Fernie, natitiyak na nitong ang dalaga nga ang nagpadala ng mga liham. May bahagi ng pagkatao nito ang natutuwa, mayroon namang ayaw tanggapin iyon.

Tumango si Fernie. Kailangan niyang maging kaswal at kalmado. There was no way na aaminin niya ang lahat. Nahihiya siya kay Buddy, kung bakit ginawa-gawa pa niya iyon?

"It's a flower..." Tumingin siya sa labas ng bintana, at sa plant box na inilagay ng mga girl scouts sa tabi ng isang poste ay naroroon ang mga periwinkle. Namumulaklak pa rin, ngunit walang pumapansin. "Itigil mo..." aniya kay Buddy. 

sweet periwinkleNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ