Chapter Four - The Graymail Tactic

1.4K 44 41
                                    

Pigil ang paglunok at panlalambot ng mga tuhod na sinalubong ni Kiel ang tingin ng higanteng siya palang iniiwasan ni Tori.

Bihira siyang tumingala sa kausap niya dahil six feet ang height niya, pero pakiramdam niya ay nanliliit siya sa malamang ay nasa 6'2" at may malaking kaha na unwanted admirer ng tutee niya.

"I... just don't think it's right to treat a woman like that," paliwanag niya; pilit nagpakatapang kahit nang mapansing nagkuyom ang kamao ng kaharap na sa laki ay parang kayang sakupin ang buo niyang mukha.

Ngumisi ito nang nang-iinsulto. "What are you? Her knight in shining armor? Where's your sword?" tanong nitong nilingon ang table niya. "Oh, iyan bang books mo ang lethal weapon mo? Who are you, the dork knight?" Tumawa ito nang malakas, at dahil malakas ang boses ni Kapre, nakuha nito ang atensyon ng lahat ng naroon at nakitawa rin sa joke nito.

Sumabog ang ngitngit sa dibdib ni Kiel. Buong school days niya, wala siyang ginawa kundi tanggapin ang pambu-bully ng mga naghahari-hariang kaklase niya. Sawa na siyang maging katatatawanan. Sawa na siyang tanggapin lang ang lahat.

"Ah, eto ba," marahang aniya; biglang napuno ng indignation. Inabot niya ang malalaking hardbound Medieval History books na katabi laptop niya. Kulang limang kilo ang bigat ng mga iyon. "Kabibili ko lang nito, at kasisimula ko pa nga lang kaninang basahin. Pero walang problemang gamiting weapon."

Inihagis niya ang mga iyon pabagsak sa paa ng hinayupak. Nabitawan nito si Tori at napauklo habang sapu-sapo ang paang nakalabas pa naman dahil open-toe na tsinelas ang suot nito.

"Sh*t!" asik ng lalaki.

Sa gulat ni Kiel, tinaas ng babae ang isa nitong tuhod at pinatama sa pagitan ng hita ng lalaki. Hindi pa nasiyahan, pinulot nito ang mga libro niya mula sa sahig at ipinukpok iyon sa ulo ng bastos.

Napasubsob sa mesa ang lalaki, sapo pa rin ang nasa pagitan ng mga hita.

"Serves you right, bastos ka!" asik ni Tori. Inabot nito ang kamay niya at hinila siya palayo.

"Sandali!" Pinagdadampot niya ang mga gamit bago nagpahila sa dalaga. Nadaanan nila ang isang mukhang server ng coffeeshop at itinuro ng kasama ang lalaking iniwan nila sa table.

Isinama siya nito papalabas sa cafe. Nang makitang malakas pa ang ulan, napa- "Anak ng tokneneng naman talaga, oo."

Gulat na napatitig si Kiel sa dalaga. Napaka-out of character talaga ng mga ginagawa ni Tori ngayon.

"Tara, d'un tayo sa kabila." Tinaluytoy nito ang makitid na pavement sa gilid ng establishment, nakikiamot ng silong mula sa kapirasong extension ng bubong. Walang kibong sumunod lang siya kahit di niya alam kung saan ito papunta.

"Buwisit na 'yun, napakabastos. Mamatay sana lahat ng kuko niya sa paa," patuloy nitong tungayaw habang padabog na naglalakad.

Nakarating sila sa isang maliit na karinderya na sa tantya niya ay direktang nasa likod ng café na pinanggalingan nila. Walang gaanong tao roon.

Dumerecho ito sa counter.

"Isang black coffee po, isang pancit bihon saka isang balot ng monay," order nito kaagad sa nasa kahera.

Kumakain ito ng ganoon? Talaga? Litong pinag-iisipan pa ni Kiel kung ano ang nangyari sa prim and proper at sosyal na Tori nang kalabitin siya nito.

"Uy, tinatanong ko kung ano'ng gusto mong kainin," anito.

Naramdaman niyang nag-init ang mga pisngi niya lalo na nang makitang nag-aabang din ng sagot niya ang kaherang kaharap nila. "Ahm. Hindi na, okay lang ako. Busog naman ako," nabiglang tugon ng binata.

The Dork Knight (Published by Bookware Pink&Purple)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon