Chapter Six - The Victoria Avellana Complexity

1.1K 40 25
                                    

"Tama lang ba talaga 'tong ginagawa natin?" untag ulit ni Kiel. "Kinakabahan ako eh, baka pagbalik natin ipakasal na ako sa 'yo ng Daddy mo."

Nilingon siya ng nagtatawang si Tori (na nakasuot ng t-shirt na may nakasulat na 'LAKWATSERANG BARAT'). Malamang halata ang nerbyos sa kanyang mukha. "Kung magsalita ka, parang itatanan kita, ah! Hello, mag-su-surf lang tayo! Ano ka, sinuwerte?"

Nag-init ang mukha ni Kiel. "I mean, binabayaran ako para mag-tutor sa 'yo pero di naman 'yun ang ginagawa natin."

Kasalukuyan silang nagbibiyahe papa-Norte at may ilang probinsya na ang layo mula sa Metro Manila.

"Ikaw ang may gusto nito, remember? Di ba ang kundisyon para di mo ako isumbong ay ang isama kita sa mga pinupuntahan ko?" Hindi siya nakakakibo kaya nagpatuloy ang dalaga "Saka di mo naman ako kailangang turuan sa Math. Magaling ako d'un." Actually, kasama na sa expertise niya ang pagpe-pretend na bobo sa nabanggit na subject.

"P'ano kung—"

"P'ano kung malaman ni Pops?" putol ni Tori sa kanya. "Paano naman mangyayari 'yun kung wala namang magsusumbong sa kanya?"

Nasa sa isang conference sa Germany ang tatay nito at sa isang linggo pa babalik. Siya naman, nagpaalam sa tiyahin na mag-o-overnight sa bahay ng isang kaibigan para sa isang school project.

Dahil hindi sanay magsinungaling, abut-abot ang kaba ni Kiel. Alam niya kasing mali ang ginagawa nila.

"Ahm... umuwi na lang kaya tayo?" suggestion niya.

"Ezekiel!" bulalas ng katabi sabay panlalaki ng mga mata. "Umamin ka, naduduwag ka lang yata, eh."

"Hindi naman sa gan'un. Kaya lang... Look at this, Tori. May bagyo ngayon at imbis na nagkukulong tayo sa mga bahay natin, talagang bumiyahe pa tayo papunta d'un sa parteng sentro ng bagyo? Sa tingin mo ba... sane itong ginagawa natin?"

"Kung walang bagyo, hindi na storm surfing ang tawag sa gagawin natin, ordinaryong surfing na lang. Ang boring n'un," simangot ng babaeng pinaglihi siguro sa tinotchong bangus—medyo sweet, medyo maasim, madalas may toyo at siyempre matinik.

"Gusto ko lang na..." He shrugged. "'Yung at least kung mamatay ako habang sinusunod kita, malalaman man lang ng pamilya ko kung saan kukuhanin 'yung bangkay ko, di ba?"

She only smiled. "Don't worry. Ako'ng mag-i-inform sa kanila kung sakali."

Sinimangutan niya ito. "Is that supposed to make me feel better?"

"Para kang bata." Natawa na nang malakas si Tori at hinampas siya sa braso.

Inis na umusod siya papaiwas dito, pero mabilis nitong hinila ang braso niya at niyakap iyon sabay hilig ng ulo sa balikat niya. "Uy, natatakot nga ang baby..."

Parang landslide na biglang rumagasa kay Kiel ang epekto ng lahat ng caffeine na nainom niya sa nakalipas na isang buwan. Nag-palpitate ang puso niya at parang dumikit ang kanyang sternum sa spine niya kaya hindi siya makahinga nang maayos.

"Di tayo tutuloy kung delikado talaga. "Saka professional storm surfer 'yung magga-guide sa atin. Di ka namin pababayaan, promise," anito habang nilalaro ng daliri ang braso niyang hawak nito. "Okay ba 'yun?"

Nang hindi makasagot si Kiel (susme, sino ba ang hindi matatameme kung ganitong nilalambing siya ng pinakamagandang babaeng nakilala niya?), inabot nito ang gilid ng mukha niya at pinaharap siya. Nagtama ang mga mata nila at parang nanikluhod sa kanya ang pupils at irises ni Tori, pati cornea. Alam na niya, walang magagawa ang (bukod-tanging) pinagmamalaki niyang 145 IQ doon. Natunaw iyon lahat at napatango na lang ang lalaki. Mabuti na lang, hindi ang pag-amin sa pagpatay sa kung sino ang tinatanong nito sa kanya.

The Dork Knight (Published by Bookware Pink&Purple)Where stories live. Discover now