Chapter Five - The Friendship Sublimation

1.2K 44 39
                                    

"Thank you for the rescue, Mr. Dork Knight," biro ni Tori sa kanya habang nagliligpit ng pinagkainan sa auditorium. "Akala ko talaga mamatay na ako sa gutom kanina, buti na lang niligtas mo kami."

"Shut up," pigil ang tawang sagot ni Kiel.

Malas lang ng ipon niya, nagkatotoo ngang nanglibre siya ng Jollibee dinner para sa mga bata. Medyo maulan pala kasi kaya na-traffic yata ang mga sundo ng mga ito. Sa awa niya sa mga batang gutom na, tinotoo na lang niya ang biro ni Tori kanina. Mabuti na lang, may ATM machine sa building na iyon, nakapag-withdraw siya nang kaunti.

Sa kasalukuyan ay dalawa na lang na bata ang hindi pa nasusundo at kasama nila sa auditorium.

"Isang linggo kong budget 'yun, akala mo. Utang mo 'yun sa akin. Bayaran mo 'yun," aniya.

"Ano ka ba, malaki talaga ang utang na loob ko sa 'yo!" pangungulit ng dalaga. Naupo ito sa edge ng stage matapos masigurong wala nang kalat sa paligid.

Tumabi siya rito at sabay nilang pinanood ang magkapatid na batang naglalaro sa ibaba ng stage.

"Hah, 'wag mo 'kong isahan d'yan. Maniningil ako; kung hindi man monetary, kailangang bayaran mo pa rin 'yun."

Pinaningkitan siya ng dalaga kahit nakangiti pa rin. "Parang di ko gusto 'yang dialogue mo, ah. Parang may kamanyakang taglay—

"

"Oy, wala akong sinabing gan'un!" putol niya kaagad dito; nag-iinit ang mukha.

"Joke lang 'yun, ano ka ba! Parang may bahid yatang katotohanan eh, nagba-blush ka, o!" Ang lakas ng tawa ni Tori kaya nahawa na rin siya.

"Sira ka," sabi lang niya, hindi na nakuhang tumanggi.

Ang gaan ng mood nito ngayon, di kagaya kanina noong sinundo siya sa karinderya.

Nalaman niya, ang NGO na Save The Kids, Save The Future o STK ang kumontrata kay Tori para magturo sa mga bata. May isasagawang fund-raising concert sa susunod na buwan at iyon ang pinaghahandaan ng grupo. Nahuhulaan na ni Kiel na kung mayroon man, gasino lang ang tatanggapin nitong suweldo para roon. Siguro talagang mahal ni Tori ang trabaho kaya masaya itong gawin iyon.

"You're good at this," seryoso nang sabi ni Kiel.

And it was true. She was good at it. Ginawa nitong symphonic ang ilang sikat na rock songs. Tumaas tuloy ng sampung antas ang level ng paghanga niya sa dalaga.

"Thank you," nag-blush na anito. "Ikaw din, eh. Ikaw nga ang naka-sipra n'ung bass ng Black Hole Sun."

Ilang sandali silang natahimik.

"I still can't get it though," aniya mayamaya. "Ba't kailangang itago mo ito sa iba? I mean, something as wonderful as this? Di ba dapat proud ka dito?"

Nawala ang ngiti ni Tori at dagli niyang pinagsisihan ang tanong na iyon. "Long story. Saka ko na lang ikukuwento."

Hindi na siya nagpumilit dahil kita niya sa mga mata ng babae ang lungkot. At hindi niya iyon gusto dahil parang namimigat din ang dibdib niya pagkakita roon.

Minabuti niyang ibahin ang usapan. "So okay lang kung sasama ako sa 'yo parati dito para tulungan kayo?"

"Oo naman."

Napangiti si Kiel. "Sinabi mo 'yan ah, wala nang bawian."

"Basta ba parati mo kaming ililibre ng dinner," dugtong nito saka tumawa muli.

"Sinabi ko na sa 'yo, may bayad 'yun," sabi niya, bagaman wala naman talaga siyang balak na singilin ito.

"Sus, aanhin mo ba 'yang pera mo at sobrang tipid mo?" tanong nito. "Balita ko, ang dami mong trabaho so therefore, marami ka ring income."

The Dork Knight (Published by Bookware Pink&Purple)Where stories live. Discover now